*******Chapter 3******
Kaito Ichinose
Nakakaewan talaga. Hindi ko magets kung bakit kahit ang aga ko nang umalis ng school late parin ako. May sarili naman kaming sasakyan. Kaso badtrip laging traffic
*beeeeeeep
*beeep beeeep"Arg nyeta sakit sa ulo ang ingay!" Hindi porket top student ako hindi ako nagmumura
"Sorry young master. Wala na talagang ibang shortcut." Sabi ng driver ko.
"Putakte next time nga madaling araw palang umalis na tayo!" Sigaw ko, ingay ng mga sasakyan eh.
Dahil ang tagal pa talaga ay binasa ko muna yung librong binigay sa akin ni President Zeke. Tungkol daw to sa yelo na lumabas sa kamay ko.
"Here, read this book and know the truth. I need your cooperation in the upcoming disaster." Sabi niya noong ibinigay niya sa akin ang libro.
Binasa ko na siya kagabi kaso simple information lang yung nabasa kong part. Eight students were chosen to have supernatural powers. They were not chosen by the authorities of the school but they were chosen because of each students' wishes.
May hiling ba ako? Ah oo, magkaroon na ng tunay na mga kaibigan. Pero dahil ba dun may powers agad ako? Weird.
Natulog muna ako dahil puyat talaga ako sa dami ng homeworks namin. At paggising ko ay nasa school na kami. Tumakbo na ako papuntang classroom ng may nabunggo ako. Napaurong ako ng konti pero siya... Tss... Hindi naman ako masyadong malaki pero tumalsik siya.
Napansin kong kaklase ko pala yung si Kumiko. "Uy okay ka lang?" Tanong ko at tinulungan siyamg tumayo.
"Mukha ba akong okay?! Tss malamang hindi!" Sabi niya at umalis na. Anong problema nun.
Pumasok na ako sa klase at walang nadatnan na tao doon.
"Eh? What the heck? Asan sila?" Sabi ko habang lumilingon lingon sa room.
"Kung hinahanap mo kami, kanina pa kami nasa computer lab." Napalingon ako sa nagsasalita. Si Anika habang may hinahanap sa gamit niya.
"Weh? Eh anong ginagawa mo dito?" Sabi ko at binaba ang bag ko sa upuan ko na katabi lang niya.
Bago siya magsalita ay naglabas siya ng tablet. Ano namang gagawin niya diyan?
"Di paba obvious, Mr. Honor Student? Ditching class. Nakakaantok naman magturo yung gurang na yon ang yabang yabang pa." Sabi niya at nanood ng anime.
"Gurang? Eh 20+ palang si ma'am ha?" Sabi ko dito.
"Lumayas ka na nga lang! Epal eh! Kitang nanonood ako eh." Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaatras ako ng konti.
Now I know why people don't want to make her, a delinquent, angry. Masyadong nakakatakot.
Kinuha ko na ang ICT notebook ko at tumakbo sa may com lab.
********
Kaname Hanayori
Baliw talaga nung isang yun. Pag ayaw sa subject, magdiditch. Yung totoo? Ganyan na yan since last year.
"Wala nanaman ba si Hiragi?!" Sigaw ni ma'am habang nagaattendance.
Umiling nalang kami. Napabuntong hininga nalang siya at nag roll call ulit. Nilingon ko ang kapatid niyang si Nico at binulungan ako na puntahan ko daw ang kapatid niya. Napailing nalang ako.
"Kaya mo na yan Nico." Sabi ko sa kanya,
Tinaas niya yung kamay niya na para akong susuntukin pero tumayo din at nagpaalam na magccr. Magkapatid nga. Mga bipolar.

BINABASA MO ANG
The Chosen Eight (Yukiroka Academy)
FantasiaYukiroka Academy is one of the prestigious schools in Shioku District. Maganda ang uniform, facilities, magaling magturo ang teachers, extra ordinary activities, ibang bansa pa yung field trip. Kaso may tinatago pala ang school na ito. Ano yun? The...