Nico Hiragi
Oh good Lord I love my sister pero nasa mood akong sapakin siya ngayon.
"What a mess..." Nasabi ko nalang at napahampas sa mukha.
"Sorry talaga sa ugali ni Yumiko." Yumuko yung babae sa harap namin. Napailing naman ako.
"Sorry rin sa ugali ni Anika." Tinulungan nalang namin siyang ayusin yung mga nagulong gamit.
"Ay teka hindi niyo papala ako nakikilala. Ako si Hiromi Shiro. Basically my powers allows me to steal your powers when I touch you." Agad kaming napaprotekta sa sarili namin ng marinig yun.
"Err... don't worry kontrolado ko kapangyarihan ko. Besides, we're allies now. No need to be scared."
Oo nga pala, nakipagalliance kami sa Rumiforia. Di ako sanay na may kasama pa kaming taga ibang school.
"Wait dalawa lang ba tayong schools na hindi greedy sa power?" Tanong ni Katsumegu.
"Ata? Sainyo palang din kami nakakapagform ng alliance eh."
"The eff? Ilang school ba meron Chosen Eight?" Tanong naman ni Keiko
"Well there's Rumiforia and Yukiroka na confirmed na talagang poprotekta sa mga ikimono. Then there's Akihito Academy."
"Gah. Mga gago yun, muntikan na kaming mapatay ni Kaito dahil sa baliw na babae." Geez naalala ko tuloy bigla noong naginbestiga kami sa paaralang iyon.
"Tapos ayon, Itsukiro Academy malamang may chosen din sila, mga gago din mga nagaaral dun eh."
"Grabe sterotyping yon."
"Heh. Anyways moving on, wala na akong alam."
"May Horimiya Academy pa ah."
"Horimiya? Never heard of that." Sagot niya kaya napataas kilay namin.
Well bukod kay Kaito.
"A-ah... baka nakalimutan niyong... bagong school lang yon?" Sabi niya sa amin at napatango tango nalang kami.
"Huh? Chosen Eight sa bagong school? That's kinda... uh... how should I put it? Impossible? Or why did that happen?"
"Hm? Bakit naman imposible?" Tanong ko.
"Ha? Don't tell me di niyo alam history ng Chosen Eight?" Napatingin kami sa isa't-isa saka sabay sabay umiling.
"Oh my. Seriously? Wala bang binigay na libro sa inyo Student Council President niyo?" Umiling ulit kami-- ay teka may isang hindi.
"Ah."
"Anong ah? Hoy Kaito ayos ayos din boi." Sabi ko sa kanya.
"Na-nakalimutan kong sabihin sa inyo. Binigyan ako ni President Zeke ng libro nung araw na nalaman kong Chosen ako. He...he..." Napakamot siya sa batok at kaming lahat ay napaface palm.
"Oh God Kaito pasalamat kang wala si Anika at Kumiko dito kundi patay ka na talaga." Sabi ni Katsu kay Kaito at tinawanan siya.
"Ilang buwan nang nakalipas yun ha?" Sabi ko sa kanya at nginisian.
"Pa-pasenya na talaga. Andaming nangyare na nakaligtaan ko nang nasa akin pala yung libro."
"Hay nako. Anyway read it. Di pwedeng sasabak kayo bigla sa gera ng hindi niyo alam ang nangyayare o kung ano ba talagang pinagsimulan nito." Tumango kami sa sinabi ni Hiromi.
"Oh one more thing. Tara sa baba. Andun yung iba naming members. Why don't we all spend some tine to get to know each other. After all, we're all allies now." Binuhat na niya si Yumiko ng parang sako at sumunod na kami sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/113638409-288-k618192.jpg)
BINABASA MO ANG
The Chosen Eight (Yukiroka Academy)
FantasiYukiroka Academy is one of the prestigious schools in Shioku District. Maganda ang uniform, facilities, magaling magturo ang teachers, extra ordinary activities, ibang bansa pa yung field trip. Kaso may tinatago pala ang school na ito. Ano yun? The...