Chapter 14

3 0 0
                                        

*****Anika Hiragi*****

Bumisita ako kay kuya pagkagising na pagkagising ko. Susunod nalang daw yung iba kong mga kasama sa bahay dahil daw ang dami pa nilang ginagawa.

"Hi bunso!" Bungad sa akin ni kuya Nico pagkapasok ko ng kwarto nila ni Kaito at Hikaru sa ospital.

"Kelan daw labas niyo?" Binaba ko ang dala kong pagkain sa isang table at nilabas ko ang laman isa isa.

"Next week pa daw kami ni Kaito pero si Hikaru bukas na." Tumango nalang ako.

"Napagod ko lang sarili ko sa sobrang paggamit ko ng ikimono ko. Ngayon ko lang napansin na nakakaubos pala ng stamina ang paggamit nito." Sabi ni Hikaru samin.

"Paglabas namin dito ni Kaito, kailangan ulit natin iensayo ang kapangyarihan natin." Sabi naman ni kuya at tumango kaming lahat.

Binigay ko isa isa sa mga kamay nila ang mga pagkain nila pero halos binato ko lang yung kay Kaito. Tss...

Alam kong ang babaw ko na talaga pero merong something sakanya na nagpapairita sa akin.

Tahimik lang kami na kumakain. Well bukod kay kuya. Ang dami niyang dada, kainis mas madaldal pa sa akin. Si Kaito at Hikaru nalang ang pumapansin sa kanya pero puro tango lang talaga sila.

Dumating narin ang iba at kumuha ng pagkain sa table. Umingay nga lalo eh tss... pano pinagtitripan ni kuya at Keiko si Katsu kasi nga maliit.

Nang matapos na kaming lahat kumain ay sinimulan na naming magusap tungkol sa mga plano namin paglabas nila kuya ng ospital.

"Kelangan pa natin ng training na magpapatibay sa stamina natin." Sabi ko.

"Pwede rin yung paggawa ng special moves." Suggestion naman ni Kaname

"O di kaya patibayin natin yung teamwork natin." Sabi naman ni Katsu.

"Unahin muna natin stamina natin. Pano tayo magkakaspecial moves kung ilang segundong gamit nun, bagsak agad katawan natin?" Sabi naman ni Kaito. Tss.

Makalipas ang ilang oras ay nagdesisyon na kami na umalis na ng ospital. Kailangan na nila ng pahinga at di nila mararanasan yun kapag andito yung iba at nagdadaldalan.
**********

"I'm home."

Kruuu kruuuu...

Ay kuliglig lang? Walang tao? Tss.

Good timing. Wala sa bahay mga kapatid ko. Pati si dad wala rin, bukas pa ang uwi.

Hahanap nako ebidensya tungkol sa pagkidnap sa akin.

Dumiretso ako sa kwarto ni dad at mom. Dito ako siguro na merong ebidensya.

Naglakad lakad ako sa loob. Tangina, pinagsamang kwarto namin ni kuya Nico kwarto nila. Masyadong malaki.

Napatingin ako sa desk sa tabi ng kama ni dad. May picture. Kinuha ko ito at tinitigan. This must have been mom when she was just about 16 years old or something. And one thing I noticed. Magkamukhang magkamukha sila ni kuya Nico. Tapos si dad nga kamukhang kamukha ni ate Shayla.

Hinalughog ko ang buong kwarto kaso wala talaga akong makita. Puro lang pictures ni mom.

"Curious ka ba kung anong itsura ng mama mo at hinalughog mo na ang buong kwarto namin."

Sa sobrang gulat ko ay umapoy ang ilang parte ng katawan ko.

"D-dad?! Akala ko ba bukas pa uwi mo?"

"Well, technically 'bukas' na." Tinuro niya yung orasan ng kwarto nila. 2 am na? Parang kanina 7 pm palang ha? Kainis kasi ang laki ng kwarto nila tss.

"Y-yeah... nacurious ako sa mukha ni mommy." Tahimik kaming dalawa after nun.

"Hey dad."

"Hm?"

"May nakita akong bata dati. Kasing edad ko lang. Sabi niya, papa niya daw pu-pumatay kay mom."

Tahimik ulit pagkatapos nun. Nakayuko ako sa kanya ngayon. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko na bring up yung topic na yon.

"Si Aero ba?"

Aero? Diba Nero yun? O nabibingi na ako? Tss.

"Po?"

"Ah wala. Matulog ka na. Exams niyo na this week diba?" Tumango nalang ako.

Great another disappointment for me. Tss...

Lumabas na ako ng kwarto. Sobrang tagal ko dun pero wala man lang akong nalaman. Kainis. Tss...
********
"Okay pass your papers on the count of 10."

Tangina halos 30/50 items yung hinulaan ko. Math nga pala to. Kainis bakit ba kasi bobo ako? Naalog ba ulo ko nung bata? I mean ang talino ng mga kapatid ko pero ako? Tss...

"Anong sagot mo sa number 27?"

"7"

"Baliw 10 yun!"

"Ha? 7 kaya yun."

Mga gago 1000 sagot ko. Tss. 1 item down.

"Ilang items hinulaan mo?" Inirapan ko ang nakangising si Katsumegu.

"30 you little piece of shit."

Eto yung nakakainis kay Katsumegu eh. Alam ko na sa kanya lang ako kumokopya tuwing may homeworks, seatworks, and quizzes. Rule namin na wag sa exams, mahirap magkopyahan. Anyway, alam na niyang sobrang bobo ko at napaka talino niya pero talagang pinagyayabang niya pa sa akin na matalino siya. Tss natalo lang siya ni Kaito sa talino eh.

************

"I have the results of your exams." Tss ano kaya pinakamataas ko? 35? Sana naman 40.

"Hiragi, Anika." Tumayo na ako at lumaput para kunin ang papel ko.

Nahawakan ko palang yung dulo ng nagsalita teacher namin.

"Congrats Hiragi." Napataas kilay ko ng konti.

"Looks like we'll meet again. In the special exams room that is."

Holy fuck -_-

Pinalakpakan ako ng mga kaklase ko. Pinipigilan ko buong katawan ko sa pagsiklab, literally.

Nginitian ko si ma'am. "Edi magkita tayo. Doon ipeperfect ko yung mga kailangan kong iretake. Tapos isusuksok ko sa bunganga mo tong unang exams ko." Tumalikod na ako at naglakad. Halfway, lumingon ako ng konti at nakita ko siyang nakaawang ang bibig. Ngumisi ulit ako.

"Dami mong alam. Nagdeclaration of war ka pa eh alam nating sukdulan kabobohan mo." Kinurot ko sa pisngi si Katsumegu ng todo kaya napa aray siya.
************
"As a result, x is equal to square root of 6-- A-anika? Nakikinig ka ba?"

Blah blah shit shit wala na akong maintindihan.

"Oo pero wala parin akong magets." Sagot ko kay weakshit- tsk kay Kaito.

"Tanggapin mo na ang katotohanang bobo ka bunso."

"Ayoko talagang marinig yan galing sayo."

Bumisita kasi kami kila kuya pagkagaling sa school, eh ang daldal ng dalawa kong kasama. Ayan sinuggest ni kuya na turuan daw ako ni Kaito. Badtrip tss.

"U-uulitin ko nalang-"

"Wag mo nang pahirapan sarili mo sa akin Kaito. Magpagaling ka diyan tapos magtraining ka, you little piece of weakshit." Tumayo na ako. Puta bobo ako eh, kahit anong explaination ni Kaito sa lesson namin, wala akong maiintindihan.

Kinuha ko ang phone ko at may tinawagan.

"Hello?"

"Hi tito. Pwede mo bang itraining si Ichinose?"

"Yung ice wielder ba? Sure why not."

"Thanks." Binaba ko din ang telepono.

Hindi ako nagiging mabait kay Kaito. Ayoko lang may mamatay sa grupo ko at ayoko na ako nanaman poprotekta sa lalaking yon. Dapat matuto siyang lumaban tss...

************

The Chosen Eight (Yukiroka Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon