My Boyfriend Is A Headturners!

379 6 0
                                    

A/N:

Hi readers, It's me again. ★__★

This is my second book after Heart Pitch (Although on-going pa rin ang istorya). Bigla na lang kasing dumating sa akin ang kwento ni Kino at Raine kaya nasulat ko ang kwentong ito.

So I hope magustuhan niyo ito.

Medyo short lang po ang istorya niya but I hope magustuhan niyo talaga ito.

Sana kiligin kayo sa natatanging love story ng dalawa.

Thank you! Happy reading! ^___^

Ps.

Hindi po intensyon ng story na ito na maliitin ang pagiging cashier ninuman. Malaki po ang paghanga ko sa mga taong may ganitong trabaho.

Gusto ko lang po kayong dallhin sa isang posibilidad na magkatotoo ang mga panaginip natin.

So, relax. Enjoy. be inlove!

0_______0

The Start of the my Naked Love story...

Kino Adrian Ferejo is my boyfriend!

Aspiring ramp model siya dito sa Manila.

Gwapo, maputi, sikat at galing sa isang kilalang maykayang pamilya sa Cebu. Sabi nga nila, isa siya sa pantasya ng bayan. Mapababae o beki man siya ang bet na bet. Paano ba naman nasa kanya na ang lahat. Full package ika nga nila.

Oo nga pala, ako naman si Raine Rivera Hizon.

Hindi dahil sa mahilig maligo sa ulan ang nanay ko noong kabataan niya kaya ito ang naisip niyang ipangalan sa akin, kundi according to her malakas daw talaga ang ulan noong araw ng ako ay ipanganak. Okay narin sa akin ang name ko, cute nga eh. Kesa naman sa Yolly, Reming or Loleng, diba? Pangalan ng bagyo.

Isa akong cashier sa isang kilalang fastfood sa bansa, ang Jollibee Corporation. Ang totoo, graduate ako ng Business Management sa Cavite State University one year ago. Napadpad ako dito sa Maynila dahil sa paghahanap ng trabaho. May nag-offer sa akin ng vacant job sa isang company sa Makati, ang kaso hindi maganda ang pamamalakad ng management nila kaya I had decided to make my immediate resignation. Halos two months lang ako nagwork doon

At dahil nga ginto ang presyo ng karamihan sa bilihin sa Maynila kumpara sa Cavite, I really had no choice but to look for another job. Nag-apply ako sa isang branch ng Jollibee bilang cashier, luckily I was hired. =)

Sa ngayon, mag iisang taon narin ako sa trabaho ko and I am so proud about it.

Marahil nagtatanong kayo about sa hitsura ko noh?

Hmmmmm, isang ordinaryong babae lang din naman ako eh. Typical girl, as in. Morena, mahaba ang buhok at may maamong mukha. Maganda in short. ^_^

No need to debate with me, kanya kanya naman tayo ng standards ng kagandahan, di ba?

Maganda ako. Period! Sinong may sabi? Ang nanay ko at si Kino. Naks! 0__0

Sa mga nagtatanong pa, official boyfriend ko po si Kino.

As in kami po talaga.

No jokes!

And take note, February 14, 2014 at exactly 7:45pm ko siya sinagot.

Ang venue???

Sa labas ng boarding house na tinitigilan ko...sa gitna ng malakas na ulan. ^__^

#Angboyfriendkongrampmodel

My Famed Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon