LOBBY
THE FEDERAL HOTEL
6:05 PM
"Kino, sandali lang." Pigil ni Casey sa lalake na naglalakad na palabas ng hotel. Naglakad-takbo ito upang maabutan lang ang binata.
Nilingon siya nito.
"O Casey, ikaw pala. May kailangan ka?"
Nag-ayos ito ng suot ng damit ng tuluyang makalapit sa lalake. Tila sinasadya nito na magpapansin dito.
"Wala naman. Gusto lang kita icongratulate dahil ang galing mo kanina sa shoot. Wala ka man lang kakaba-kaba kahit pa medyo daring ang gustong pose ni sir Vincent. You're so professional. Nakakabilib ka." Tumingin ito ng makahulugan.
"Ah yun ba. Wala yun. Isa pa kailangang gawin eh para sa ikagaganda ng shoot. Ikaw din, you did great." Ngumiti ito.
"You know what, I hope we can do it again. Tayong dalawa ulit ang ipagpartner sa susunod na project. What do you think?"
"Okay lang sa akin. No problem." He smiled again.
"That's great." Malandi ang ginanti nitong ngiti sa lalake. "Ngayon lang tayo nagkakilala pero pakiramdam ko matagal na tayong nagkasama sa trabaho. Maybe it's because you're comfortable to work with. Can you share your secrets?"
"Wala naman. Ang mahalaga lang masaya ka sa ginagawa mo." Kino smiled. "Siguro yun lang talaga ang sikreto ko."
"I like your humility." Tumingin ito ng may paghanga kay Kino.
"Wait, are you going home? Sabay ka na sa akin, may dala akong sasakyan. May driver naman ako sabihin mo lang kung saan ka nauwi."
Umiling ito.
"No thanks. Susunduin ko kasi ang girlfriend ko sa trabaho niya. Ihahatid ko pa kasi siya sa boarding house nila eh."
Nawala ang ngiti ni Casey. Pero di nito pinahalata.
"So may girlfriend ka na pala. Model din ba siya katulad mo?"
"Hindi. Cashier siya sa isang fastfood." Ngumiti ito. He looks proud.
"Oh, that's nice." She said sarcastically. "Matagal na ba kayong dalawa?"
"Actually, mag-aapat na buwan pa lang kami but my feelings for her is getting stronger each day. Namimiss ko na nga agd siya eh." Sagot nito.
"I love her so much."
"Oh I see. Good to hear that." Plastic 101. Aarrggh!
Tumingin si Kino sa suot na wristwatch.
"I'm sorry Casey but I have to go. Baka naiinip na sa kakahintay sa akin ang girlfriend ko eh. Babawi kasi ako dahil hindi ko siya naihatid pauwi last time. Maiwan na kita ha."
"Sure. Ingat ka. See you again?"
Ngumiti si Kino.
"Sige. See you again sa susunod na project. Ingat ka din sa pag-uwi."
Nagpaalam na ito at naglakad palabas ng hotel. Sinundan ito ng tingin ni Casey.
"Cashier ang girlfriend mo? I can't believe that! Are your out of your mind? Hindi kayo bagay. Hinding hindi. Maybe, tayong dalawa ang talagang para sa isat-isa. Tayo ang bagay."
Makahulugan ang ginawa niyang pagngiti.
Parang evil witch! #____#
Maya-maya biglang sumulpot mula sa likod niya ang baklang make-up artist na nakatingin din sa kakaalis lang na lalake.

BINABASA MO ANG
My Famed Boyfriend
RomanceImposible na nga ba talaga sa mundong ito na magkagusto ang isang papasikat na ramp model sa isang simpleng cashier lang ng isang fastfood? Paano kung mangyari nga ito? Anong gagawin mo?