The next day!
Starbucks Cafe
"Have a seat." Anyaya ni Hernan, ang baklang manager ng binata. Nauna na kasi ito sa loob ng establisyemento. Nahuli lang si Kino ng limang minuto.
Kilalang handler si Hernan Yonson ng mga papasikat na fashion at ramp models sa Pilipinas. Isa siya sa mga tagadiscover ng mga in demand models sa loob at labas ng bansa mapaprint ads or fashion show events man. Halos karamihan din sa mga hawak nitong mga alaga ay hindi lang pagmomodelo ang ginagawa kundi maging pag sali sa mga bikini opens. Madalas, naiiuwi ng mga alaga niya ang title o runner-ups sa mga sinasalihan nilang contest.
"Thanks Tito Hernie. Sorry medyo nalate ako." Naupo ito sa upuang itinuro ng manager. "Naipit sa traffic ang sinakyan kong jeep eh."
"Why don't get your own car, instead? Para hindi ka na nahihirapang magcommute pa. My gosh Kino, you know you can have one." Kinawayan nito ang isa sa mga waiters.
"Bakit ba ayaw mong tanggapin ang car loan na inaalok sayo ng daddy mo? Eh di sana hindi ka na nahihirapang magbiyahe ngayon." Uminom ito ng kape.
Natatawang napakot sa ulo si Kino.
"Sorry Tito Hernie. Gusto ko lang kasing maging independent ngayong nandito ako sa Maynila. Ayokong umasa sa mga binibigay na luho ni Daddy. Isa pa, gusto ko rin subukan ang simpleng buhay dito kasama na ang pagsakay sa mga ordinaryong sasakyan tulad ng bus at jeep. Don't worry Tito, nag-eenjoy naman ako magcommute eh."
"Hay naku, bahala ka na nga. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Reklamo nito. Umorder ito ng pagkain sa lumapit na waiter.
"Maiba nga pala ako, alam na ba ng pamilya mo sa Cebu ang tungkol sa girlfriend mo?"
Nawala ang pagkakangiti nito.
"Hindi pa. Humahanap pa ako ng tiyempo, Tito eh."
"Puwes, ngayon pa lang simulan mo na ang pag-iisip kung paano mo aaminin sa daddy at mommy mo ang tungkol sa kinahuhumalingan mong babae." Tumirik ang mata nito.
"Ewan ko ba sayo, ano ba kasi ang nagustuhan mo sa babaeng yun ha? Eh ang dami naman diyang iba na mas babagay sayo kumpara sa cashier na yun. You're impossible!"
"Tito Hernie naman, hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol diyan? Mahal ko si Raine at seryoso ako sa kanya."
"Paano pag nalaman ng daddy mo ang klase ng trabahong meron ang girlfriend mo, aber? Sa tingin mo ba hindi siya magagalit? Kilala mo naman kung paano magalit ang ama mo. He is very strict when it comes to your personal life. " Inubos nito ang iniinom.
"Baka pabalikin ka agad ng Cebu at tuluyan ka ng pagbawalan na lumuwas ulit ng maynila. Maudlot pa ang pangarap kong maging sikat na ramp model. Ikaw din. Binabalaan na kita tungkol sa mga posibilidad na mangyari kung itutuloy mo pa rin ang kahibangan mo na yan."
"Ako ng bahala kay daddy, Tito Hernie. When the right time comes, sasabihin ko din sa kanya ang lahat ng tungkol sa amin ni Raine. Alam ko matatanggap din niya kung sino mang babae ang mamahalin ko."
"Pano kung kabaliktaran ang mangyari? What if, your dad wants you to break up with her? Susuwayin mo ba siya? May lakas ka na ba ng loob na gawin yon?"
Natigilan si Kino. Hindi siya makakibo.
Alam kasi niya ang matinding pagtutol ng ama niya na magkaroon siya ng kasintahan na hindi angkop sa mataas na standards nito. Ang gusto kasi nito para sa kanya ay isang babae na maipagmamalaki niya sa mga kaibigan nitong nabibilang din sa may kayang pamilya.
"See? Hindi mo kaya. Aminin mo na kasi." Tumingin ito ng seryoso sa binata. "Hanggat maaga pa, putulin mo na agad kung anu mang relasyon meron kayong dalawa. Hindi siya para sayo. Wag mo ngang sarhan ang mga mata mo sa ibang mga babae. Marami pang iba diyan."
"Si Raine ang babae para sa akin, Tito Hernie. Hindi na magbabago yon."
"Oh come on, Kino. Don't be too attached with that girl. Baka siya pa ang maging hadlang sa kasikatan mo. "
"That won't happen." Tumingin si Kino sa ibang direksyon. "Sigurado ako don."
Okay, fine! Wag na nating pag-usapan ang tungkol sa kanya. Hindi ka rin namang makikinig sa mga sinasabi ko."
Kinuha nito ang isang folder sa loob ng katabi nitong bag. Pinatong nito sa lamesa.
"Oh hayan! Ito ang dahilan kung bakit kita gustong makausap ngayong araw na ito"
Tiningnan ni Kino ang folder.
"Ano ito, Tito Hernie?"
"Oh eh do buksan mo ng malaman mo." Nakangiting sagot nito. "Tiyak kong magugustuhan mo yan."
Binuksan ni Kino ang folder. Nagulat siya sa nabasa.
"Exclusive contract with Mr. Park Yhin Hee of K Magazine? Totoo ba ito?"
"Of course, totoo yan." Nakangiti parin ito.
"Remember Mr. Hee? He is one of the best and well known photographers in South Korea. Kilala siya dahil sa galing niya sa underwater photoshoot sa kanilang bansa. Magkakaroon siya ng malaking project sa ating bansa. So nagsend ako sa e-mail niya ng mga profiles ng mga models na hawak ko na posible niyang makatrabaho, di ba? Guess what, isa ka sa napili niya."
"Wow. Wala ako masabi, Tito Hernie." Overjoyed si Kino.
"Hindi ako makapaniwala. Parang nanaginip lang ako."
"Ano ka ba, maniwala ka na. Yan na nga ang pruweba oh. Siya mismo ang nagsend sa akin ng contract na iyan galing Korea. And he's planning to meet all the models from the Philippines including you one of these days. What can you say?"
"Thank you talaga, Tito Hernie. Matagal ko na talagang hinihintay ang big break na ito. You're the best manager!"
"Hay naku, nambola ka pa."
Dumating na ang inorder nitong pagkain.
" Ikaw na ang nga pala ang magsabi sa mommy at daddy mo tungkol sa contract, okay? I'm sure matutuwa sila para sayo."
"Sige, Tito Hernie. Ako ng magsasabi sa kanila."
"Good. Tatawagan na lang kita kung kelan ang scheduled meeting mo with Mr.Hee, understand? Make yourself available. Don't miss this great opportunity. Okay?"
"Sige, Tito Hernie. Promise, I won't let you down. I'll make you even prouder."
"Sige, aasahan ko yan." He said it seriously.
"Kumain na muna tayo. Kanina pa ako nagugutom."
Ngumiti si Kino.
"Sige po, Tito Hernie. My treat."
"Aba, aba, ano to advance blow out mo sa akin? Ayos ah."
"Hindi, Tito Hernie. Bigla ko lang naisip. I just want to thank you for your help. Ang laki kasi ng naitulong mo sa career ko. "
"Ay sus, may ganon pa talaga? Baka naman suhol mo lang ito dahil sa pananabon ko sayo kanina? Umamin ka."
"Hindi ah. Way ko lang ito para magpasalamat sayo. No other reasons." Tumawa ito ng mahina.
"Oh siya, siya. Sige na nga. Salamat. Kumain ka na rin. Samahan mo pala ako sa mall pagkatapos. May bibilhin lang ako. "
Tumango siya.
"Sige po, Tito Hernie. Basta ikaw."
◆_____◆
#Kino'sbigbreak
BINABASA MO ANG
My Famed Boyfriend
RomanceImposible na nga ba talaga sa mundong ito na magkagusto ang isang papasikat na ramp model sa isang simpleng cashier lang ng isang fastfood? Paano kung mangyari nga ito? Anong gagawin mo?