Thursday
ROYAL LEAF CONDOMINIUM
Room 409
Pawis na pawis si Kino. Katatapos lang niya magwork out sa loob mismo ng studio type na condo unit niya. Siya mismo ang pumili ng lugar na ito. Hindi masyadong marami ang gamit na nasa loob nito dahil ayaw niya ng masikip at spacious. Gusto niya na makakagalaw siya ng malaya.
Nakashorts at sando lang siya. Araw-araw siyang nagpapakundisyon ng katawan dahil sa uri ng trabahong meron ito. Kailangan niyang mamaintain ang model-figured body dahil ito ang puhunan niya na dapat niyang mapangalagaan.
Kinuha niya ang tuwalya sa ibabaw ng kama at nagpunas ng katawan.
Maya-maya may kumatok sa pinto ng condo unit niya.
Tok tok tok tok! ○__○
Nagtaka si Kino. Wala naman siyang inaasahang bisita. Isa pa, kokonti lang din ang may alam ng tinitirhan niya dito sa Maynila maliban sa manager niya at ilang katrabaho sa modeling industry. Ayaw kasi niya ng masyadong nasisira ang privacy niya. Kahit si Raine ay di pa rin nakakapunta sa unit niya bagaman sinabi niya dito kung saan siya nakatira. Ang katwiran ni Raine...
"Hindi po tamang may napuntang babae sa condo mo. Okay?" Raine smiled.
"Ayokong isipin ng ibang tao na may ginagawa tayong masama. Kahit sa tingin nila na hindi tayo bagay at marami diyang ibang babae na nagkakagusto sayo at lahat kayang gawin para lang mapansin mo, iba ako sa kanila, diba? Ako ang tipo ng babae na kayang maipagmalaki ng ramp model kong boyfriend."^___^
Isinakbit ni Kino ang tuwalya sa balikat, lumapit sa pinto at binuksan ito. Nagulat siya ng makita kung sino ang dumating na bisita.
"Hi, Kino." Nakangiting bati ni Casey. Nakasuot pa ito ng uniporme. May dala itong maliit na kahon ng cake.
"Can I disturb you?"
"Ca---sey? Anong ginagawa mo dito?" Nasa mukha nito ang labis na pagtataka.
"Sorry sa biglaan kong pagbisita sa condo mo ha. It's just I have a good news for you and I wanted to tell you about this personally."
Pinakita nito ang hawak.
"I brought you something."
"How did you know my place?"
"Long story." Tumawa ito. "Pwede bang pumasok muna?"
Halata man ang pagkagulat tila wala narin nagawa si Kino. Binuksan niya ng maluwang ang pinto. Hindi niya pwedeng ipagtabuyan ang babae.
Pumasok si Casey sa loob.
"Nice place." Tiningnan niya ang interior ng buong kwarto.
"Ikaw lang mag-isa ang nakatira dito?"
"Oo. Nasa Cebu lahat ng pamilya ko." Nakasunod ito sa babae.
"Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?"
"I asked Tito Hernan." Nakangiti si Casey.
"Wait, kilala mo siya?"
"Well, parang ganon na rin. Nalaman ko na kaibigan pala siya ng handler ko. So meaning, hindi pala aksidente ang pagiging magkapartner natin sa photoshoot. When sir Vincent found out na hindi pwede si Randolf, he called Tito Hernan and that's it."
"Ganon ba." Simpleng sagot niya.
So, what's the good news?" Naiilang na tanong ni Kino sa bisita.
Hindi kasi siya sanay magpapasok ng ibang babae sa loob ng unit niya. Isa pa, lagi niyang tinatandaan ang bilin ng girlfriend niya. He wants her full trust kaya ayaw niya na malalaman nito ang tungkol sa biglaang pagbisita ng ibang babae kung saan siya nakatira.

BINABASA MO ANG
My Famed Boyfriend
RomanceImposible na nga ba talaga sa mundong ito na magkagusto ang isang papasikat na ramp model sa isang simpleng cashier lang ng isang fastfood? Paano kung mangyari nga ito? Anong gagawin mo?