"Bye, kuya Anton. Kita na lang po tayo bukas." Nakangiti akong nagpaalam sa gwardya. Ngumiti din siya. Ngumiti din ulit ako. Nagkangitian kami. Haha. ^___^
Nakita kong nag-aabang na sa akin si Kino sa labas. Nakaupo ito sa hagdang pagkalabas ng Jollibee. Nakatanaw ito sa nagdaraang mga sasakyan.
"Uy, kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin.
"Around 20 minutes ago." Kinuha niya ang bag ko. Sinakbit niya sa balikat niya.
Ang sweet talaga ng boyfriend ko. 0_0
"Galing ka ng photoshoot, di ba? Baka pagod ka pa. Sana di mo na ako sinundo. Kaya ko namang umuwing mag-isa eh."
"Alam mo namang ayaw na ayaw ko na wala kang kasamang umuwi ng boarding house, di ba? Mahirap na, maraming adik diyan sa tabi-tabi, baka mapano ka pa." Kinuha niya ang kamay ko. Nagholding hands kami.
"Iniisip lang naman kita eh."
"Okay lang ako. Don't worry about me, magpapahinga naman agad ako pagdating ko ng condo mamaya. Wag mo na akong alalahanin, okay?" Pinisil niya ang kamay ko.
Ngumiti ako.
"Sige. Kumain ka na?"
"Oo. Kanina sa location namin. Nagpakain ang photographer kanina eh. Birthday niya kasi. Ikaw, kumain ka na ba? Gusto mo ibili kita ng pagkain? "
"Wag na. Busog pa naman ako."
Naglakad na kami pataas ng overpass.
Pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na ng mga nakakasalubong naming babae at beki. Nagbubulungan din sila. Nagtataka marahil sila kasi ang gwapo ni Kino. Artistahin ang dating. Samantalang ako, simple lang. Light make-up lang ang meron sa mukha. Hindi kasi ako masyado nagpapaganda. Ayaw din kasi ni Kino na nakikitang parang naiilang ako sa sarili ko. Ang sabi pa niya...
"Minahal kita kung ano ka at kung sino ka. Hindi mo kailangang ibahin ang sarili mo. Gusto kita at hinding hindi kita ipagpapalit sa iba. I love you so much, Raine. Promise ko yan sayo. "
Hindi ko talaga makakalimutan ang oras at panahon na sinabi yan ng boyfriend ko. When we arrived home, I cried a lot when he left. Tears of joy.
Nakababa na kami ng overpass. May naghihintay ng jeep biyaheng Sampaloc kung saan ako nakatira ngayon. Si Kino naman sa Mandaluyong pa umuuwi. Kumuha kasi ito ng condo unit doon ayon narin sa bilin ng mga magulang nito.
Sumakay kami pareho ng jeep. Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. As usual, tinginan na naman ang mga pasahero sa amin. Ang nakakainis pa nito, nakaupo kaming dalawa sa tapat ng isa na namang bekimon. Tumitingin ito kay Kino.
Nagpapacute pa. Kaasar! ×__×
"Hi pogi. Anong name mo?"
Hindi ito tinitingnan ni Kino. Tumingin ito sa labas ng jeep.
"Sige na pogi. Name mo lang naman eh." Pangungulit nito. "I'm Maxene."
Walang kibo ang boyfriend ko. Deadma lang siya dito.
Nag-iwas na rin ako ng tingin. Baka kulitin din ako nito.
Hindi ba nito nakitang magkaholding-hands kami ng boyfriend ko?
"Suplado mo namang pogi. Pero, okay lang. Ganyan ang mga type ko." Tumingin ito ng malagkit sa boyfriend ko.
"Baka naghahanap ka ng karelasyon, pwede ako. Kaya kong ibigay kahit anong gusto mo, pogi."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Kino. Iniisip ko baka naooffend na ito sa bading na nagpapacute sa kanya. Pero kalmado lang ito. Tumingin lang ito sa akin.
BINABASA MO ANG
My Famed Boyfriend
RomanceImposible na nga ba talaga sa mundong ito na magkagusto ang isang papasikat na ramp model sa isang simpleng cashier lang ng isang fastfood? Paano kung mangyari nga ito? Anong gagawin mo?