"Anak, pakideliver mo nga itong mga manok sa Tita Julie mo. Nagtext kasi sa akin kanina, umorder ng tatlong kilo dahil birthday ng inaanak kong si Yang-yang. Ikaw na ang magdaan sa bahay nila. Hindi ko kasi maiiwan itong pwesto natin eh."
Tinigil ni Aldrin ang pag-aayos ng buhok sa harap ng salamin. Kakatapos lang din nitong maligo at magpalit ng damit.
"Sige Ma. Ako ng magdadala sa kanila. Tapusin ko lang ito."
Napapangiting nilapitan nito ang anak.
"Saan ba ang lakad mo at panay ang pagpapagwapo mo sa harap ng salamin ah?" Pinagmasdan nito ang ginagawa ng nag-iisang anak.
"Nagde-date na ba kayo ni Jenna? Wala atang naikukuwento sa akin si Mareng Julie ah. Siya na ba ang bagong girlfriend mo ha, anak?"
"Ma naman." Naiiling na napakamot ng ulo si Aldrin.
"Alam niyo namang di ko gusto si Jenna eh. Magkababata kaming dalawa pero kahit kailan hindi ako nagkaroon ng interest sa kanya."
"Aba'y bakit naman? Maganda naman si Jenna ah. Matalino at mapagmahal sa mga kapatid. Ano pa ba ang wala sa kanya ha, Aldrin?"
"Magkaiba talaga kami ng ugali kaya wag niyong ipagpilitan sa akin ang anak ni Tita Julie. Hindi kami magkakasundo nun."
"Ano bang sinasabi mong hindi kayo magkakasundo eh naging malapit nga kayo noong mga bata pa kayo, di ba? Akala mo lang iyon, anak. Mabait naman yung batang iyon eh. Isa pa ganon lang talaga ang personalidad ni Jenna, medyo tahimik. Nagmana lang talaga sa Tita Julie mo." Pangangatwiran nito.
"Kung siya lang ang makakatuluyan mo, aba hindi na ako magrereklamo pa. Panatag ako na magkakasundo kaming dalawa ng batang iyon."
Natigilan ito ng may bigla maalala.
Kumpara naman sa huli mong ipinakilala sa akin na girlfriend. Hindi nga kumikibo kapag dumadalaw dito sa atin , aba'y napakaselosa naman.Pambihira!"
"Matagal na po kaming wala ni Irene, ma. Noong mismong araw na nag-away kami dahil sa pagseselos niya sa isang babae na bumili sa akin ng manok, nawalan na kami ng komunikasyon. Nagbreak na po kami."
"Kaya nga anak, mas mapapanatag ako kung si Jenna na ang susunod mong ipapakilala sa akin na kasintahan. Hindi lang dahil sa kumare ko ang nanay niya kundi alam kong magiging mabait siyang girlfriend ng gwapo kong anak." Tumayo ito at nangingiting niyakap ang anak.
Naiilang na kumalas si Aldrin sa pagkakayap ng ina.
"Ma, please, di na ako bata. Nakakahiya baka makita kayo ng mga kaibigan ko akalain pang mama's boy ako."
"Ito naman oh parang naglalambing lang sa panganay ko eh. Wala namang masama, di ba?" Tila nagtatampo ang tono nito. "Namimiss ko lang din kasi ang tatay mo. Simula ng umalis siya ng bahay, nawalan narin ako ng makakausap at makakayakap."
"Ito na naman po tayo." Napailing ulit si Aldrin.
"Ma, matagal na tayong iniwan ni tatay kaya kalimutan niyo na siya, pwede ba? Pinapahirapan niyo lang ang sarili niyo eh."
"Kung hindi lang dahil sa maharot na babaeng umagaw sa tatay niyo e di sana kasama pa natin siya." May halong galit na ang tinig nito.
"Kung makikita ko lang ang dalawang iyon baka kung ano pa ang magawa ko. Baka hindi lang gulpi ang abutin nila sa akin."
Kinuha ni Aldrin ang cellphone at wallet sa ibabaw ng lamesa. Hindi na nito pinansin ang pag-eemote ng ina. Kinuha din nito ang plastic na may laman na manok.
"Sige na Ma, aalis na ako at baka kung saan pa humantong ang drama niyo."
Nagdiretso na si Aldrin palabas ng bahay.
Sinundan nalang siya ng tingin ng ina.
Raine's POV
BOARDING HOUSE
"Uy Raine, ang ganda naman ng suot mong damit ah."Binasa ni Joy ang nakaprint sa suot kong T-shirt. "Couple shirts niyo ba yan ni Kino?"
Napangiti ako.
"Oo. Regalo niya sa akin noong isang buwan. Isuot ko daw ngayong birthday niya eh."
"Ay, ang sweet naman. Inggit much naman ako." Kinikilig si Joy, parang ewan kung makareact.
"Saan naman daw ang date niyong dalawa?"
"Hindi ko pa alam eh. Basta ang sabi lang niya eh magkita na lang daw kami sa loob ng department store kung saan niya binili itong damit. Doon niya daw ako susunduin."
"Bakit daw doon? Pwede namang sa labas na ng mall kayo magkita, di ba?"
"Hindi ko nga rin alam eh. Basta yun ang gusto niya eh. Wala talaga akong idea saan kami pupunta."
"Wow, pa-mysterious pa talaga si papa Kino ha. Well, malay mo dadalhin ka pala niya sa bahay nila tapos ipapakilala ka niya at last sa buong family niya." Nagboses lalake ito.
"Papa, siya nga po pala si Raine ang babaeng gusto ko pong makasama habang-buhay. Hinihingi ko ang basbas niyo upang pakasalan siya. She's everything to me. I want to be with her for tje rest of my life." Kinuha ni Joy ang kamay ko.
" Tapos,haharap siya sayo at luluhod sa harap mo." Minuwestra nito ang kunyaring mangyayari.
" Raine Rivera Hizon, will you be Mrs. Kino Ferejo?"
Mahihimatay na ito sa sobrang pagkakilig.
"Eeehhhhhh, di ko makeri ang proposal!"
Hinampas ko ito sa balikat.
"Ano ka ba, ang OA mo. Kung ano-ano ang pinag-iisip mo eh. Wala dito ang pamilya niya, nasa Cebu. Isa pa, wala pa sa plano ni Kino ang magpakasal. Marami pa siyang pangarap na gustong marating. Ayoko kong maging hadlang sa mga pagtupad niya sa mga plano at pangarap niya."
"Ay, ang drama ni ate." Kunyaring sumimangot ito sa akin.
"Alam mo, ikaw ang mas OA sa ating dalawa. Napaka-nega mo! Hindi mo ba naiisip na maaaring isa ka sa mga plano na binubuo ni Kino, di ba? Wag ka ngang mag-isip na magiging hadlang ka lang sa mga ambisyon sa buhay ng boyfriend mo. Ikaw rin, there's power in the tip of your tongue." Biro pa ni Joy.
"Basta, hindi pa lang din ako handang pag-usapan ang mga ganyang bagay. Bata pa kaming dalawa."
"Weeh? Yung totoo, hindi ka man lang kinilig kahit ilang sigundo?"
"Para kang sira. Bakit naman ako kikiligin?"
Yung totoo?" Pangungulit nito.
"Hindi nga!"
"Swear?"
"Kulit mo!"
"Madapa ka man mamaya sa date niyo?"
"Hindi talaga!"
"Hindi ka nagchuchurvalu?"
"Anong nagchuchurvalu?"
"Nag-te-tell a lie."
"Hindi, hindi, hindi. Ano, masaya ka na? Hindi pa ako handang ikasal noh!"
"Echusera ka, friend! Kung ako ang nasa pwesto mo baka pikutin ko pa si Kino makasal lang ako sa kanya." Natatawa si Joy.
"Grabe ka naman. Hinding hindi ko magagawa yang mga sinasabi mo. Sobra ka na talaga."
"Sabi mo lang yan, Raine. Ang dami kayang makikipagpatayan para lang makasama si Kino Ferejo for eternity. So, hindi ako naniniwalang hindi mo man lang naisip na maikasal sa super hot mong boyfriend."
"Tama na nga yan. Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala."
"Talaga lang ha." Nagpipigil ang ngiti nito. "Sabi mo yan ha. Tingnan na lang natin."
"Tingnan ang alin?"
"Kung uuwi kang buhat buhat ni Kino."
Nagtaka ako sa sinabi nito.
"Bakit naman ako magpapabuhat sa kanya eh hindi naman ako pilay, di ba?"
"Well, tingnan na lang natin."Natatawang komento ni Joy. "Ihahanda ko na ang ice pack."
#Thestartofconflict
![](https://img.wattpad.com/cover/18193558-288-k928760.jpg)
BINABASA MO ANG
My Famed Boyfriend
RomanceImposible na nga ba talaga sa mundong ito na magkagusto ang isang papasikat na ramp model sa isang simpleng cashier lang ng isang fastfood? Paano kung mangyari nga ito? Anong gagawin mo?