"Hi ,maam. Welcome to Jollibee. May I take your order, please?" Nakangiting bati ko sa babae na nakapila sa counter.
Sa tingin ko halos magkasing edad lang din kami. Pero nag-aaral pa rin ito dahil nakasuot ito ng uniporme ng East High University.Matangkad ito. Mestiza at maputi.
"Isang N1, dalawang order ng one piece chicken at tatlong cokefloat." Sagot nito. Nakatingin ito sa menu.
"Okay po. " Nagpunch ako sa computer.
"Is there anything else, maam?"
"None. That's fine." Kinuha nito ang wallet sa loob ng dala niyang bag. Mukhang mayaman , ang dami kasing credit cards sa loob ng pitaka nito.
"Dine in or take out, maam?"
"Take out." She answered seriously.
"Okay po. Bale, P307 pesos po lahat."
Nag-abot ito sa akin ng 1,000 pesos.
"Do you have smaller bill, maam?"
Tumingin ito sa akin ng masama.
"I could have given you smaller bill kung meron ako, di ba?" Mataray nitong sagot sa akin. "Common sense naman."
"Alright. I received 1,000 pesos, maam." Binalewala ko na lang ang sinabi nito. " Customers are always right" na nga lang! Bawal magreklamo. T__T
Kumuha ako ng sukli sa kaha.
"Here's your change, maam." Binilang ko sa harap niya ang sukli.
"Thank you po. Pakihintay na lang po sa upuan ang order niyo, maam. Two minutes pa po yung chicken eh."
I smiled at her. Binigyan ko ito ng number para sa pending order nito.
She didn't smile back. Umalis agad ito at umupo sa bandang likod ng dining area. Maya-maya kinuha nito ang cellphone at may kinausap.
Inasikaso ko agad ang mga order nito.
Nang macheck kong kumpleto na ang lahat, lumapit ako sa kinauupuan ng babae para ibigay ang mga ito. Busy din kasi ang ibang kasama kong crew kaya ako na lang ang mag-aabot dito.
Pero hindi parin pala ito tapos sa pakikipag-usap sa cellphone kaya naghintay ako ng ilang minuto bago tuluyang makalapit dito.
"Ang akala ko ba sa Tagaytay ang venue bakit nagbago na naman?" Mukhang iritated ito.
"Tapos ngayon, tatanungin mo ako kung bakit hindi ako makakapunta ngayon diyan. Are you crazy?"
Nakikiramdam lang ako. I can sense na may kaaway ito sa kabilang linya.
"Alam naman ng management na may klase ako, di ba? Pwes, sila ang sisihin mo. Okay?"
Tahimik lang ako na nakatayo malapit sa kanya. Nag-iiwas ako ng tingin, baka kasi akalain nito nakikinig ako sa pinag-uusapan nila ng kausap niya. Mahirap na baka pati ako mapag-initan.
"Basta ang sabihin mo, hindi ako makakarating. Trabaho mo na yun! It's not my problem anymore. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag, okay? Sa susunod na lang ako magpapakita sa kanya, okay? Bye!"
She ends the call.
Yun na ang hinihintay kong hudyat. Lumapit na ako sa babae.
"Maam, ito na po ang lahat ng order niyo."
"Kumpleto na ba 'to?" Tiningnan niya ang loob ng plastic. Hindi parin nawawala ang inis nito.
"Make sure everything is here. I hate to deal with stupid crew, do you understand?"
BINABASA MO ANG
My Famed Boyfriend
Storie d'amoreImposible na nga ba talaga sa mundong ito na magkagusto ang isang papasikat na ramp model sa isang simpleng cashier lang ng isang fastfood? Paano kung mangyari nga ito? Anong gagawin mo?