Episode 09

56 0 0
                                    

Raine' POV

"Good morning po sir, welcome to Jolli----"

Natigilan ako sa pagbati  sana sa customer na nakapila sa counter ko. Paano ba naman namumukhaan ko ito. Ito yung lalake na binilhan ko ng manok. Nakangiti ito sa akin.

"Hi, Raine."

Nagulat ako dito. 

"Huh?"

"Sabi ko hi, Raine."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Tumawa ito.

"Dahil diyan." Nginuso nito ang suot kong pin.

"Raine ang nakasulat eh. Obvious ba?"

Toinks!

Sorry, tao lang. Nakasuot nga pala kami ng name pin. 0___0

"Ano po order niyo, sir?"

Iniba ko ang usapan, kakahiya kaya. T__T

"Po na naman?" Nakangisi ito. "Pwede bang wala ng ganon?"

"SOP po namin yun, sir." Sinubukan kong ibalewala ang sinabi nito.

"Ano po order niyo?"

"Number mo plus yung address ng bahay mo."

"Ano raw?0__0

"Sir, bawal po sa amin angn makipag-usap sa customer ng patungkol sa mga ganyang mga bagay during our work time."

Seryoso na talaga ako.

"Okay. Sige, sa breaktime mo na lang. Anong oras ba?"

"Next customer please."

Nagsenyas ako ng kamay. Naubusan na ako ng pasensya.

Hindi pala siya mabait, binabawi ko na! =(

"Wala pa ako inoorder, pinapaalis mo na agad ako. Di ba bawal yun?"

Hala nanisi pa!

"Sir, please lang po kung may order po kayo sabihin niyo na po agad. nakakahiya po sa ibang nakapila. Naghihintay na po sila eh."

Tinuro ko ang mga naiinip na customers.

Baka sakaling makunsensya.

"Actually, wala talaga akong gusto." Tumawa ito.

" Napadaan lang ako sa labas tapos bigla kitang nakita sa salamin ng bintana. Dito ka pala nagtatrabaho." Ngumisi ito.

" Isa pa, di pa ako nagpapakilala sayo. Ako nga pala si Aldrin."

Naglahad siya ng kamay.

Shocks! Pinagtitinginan na kami ng ibang customers.

"Sir, sabi ng hindi po kami pwedeng makipag-usap sa  mga custo--------"

"Aalis na lang ako basta makipagkamay ka lang."

"Huh?"

Ano ito may kondisyon pa? Argh!

Ano ba naman itong taong ito! Ang kulit!

"Sir, please lang po. Kung wala po ka---------"

"Tanggapin mo na kasi ang pakikipagkamay ko. After nito, aalis na talaga ako." Nakangisi na naman ito.

"Ikaw din, baka mainip yung ibang customers. Magsilipat sa iba. Mapagalitan ka pa."

Ano ba tong lalakeng ito.

Nanermon pa ang mokong!

Nakakapressure!

Arrgh! Kainis talaga!

My Famed Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon