Chapter 02

113 1 0
                                    

"Aalis ka, Raine? Hindi ba't day-off mo ngayon? Sana nagpapahinga ka na lang dito sa bahay, di ba?" Tanong sa akin ni Joy,  ang kasama kong bed spacer sa kwarto.  Waitress naman ito sa isang kilalang restaurant malapit sa pinagtatrabahuhan ko.

"Oo eh. Kelangan ko kasing maghanap ng ipangreregalo kay Kino.  Birthday na niya next month eh." Kinuha ko ang paborito kong pabango sa bag at nagspray ng kaunti sa katawan ko.

"Ngayon lang ako available eh."

"Ano namang klaseng regalo ang bibilhin mo para sa kanya? Halos lahat naman kaya na niyang bilhin mag-isa, di ba?."

"Ang totoo, wala pa nga ako maisip eh. Baka naman may idea ka na pwede mong maibigay sa akin. " Chineck ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

"Kung sa ideas lang naman, marami akong alam. Ang tanong friend, magkano ba ang budget mo?"

Natigilan ako saglit. I checked my wallet. One thousand Pesos na nga lang pala ang natitirang allowance ko. Napadala ko na kasing lahat ang huli kong sinuweldo sa mga magulang ko sa Cavite. Panggastos nila sa bahay at sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Kakabayad ko lang din ng upa sa kwarto kaya wala na halos natira sa akin.

"Huh? Ah, eh mga 500 siguro." Sagot ko.

"Magtitipid na lang ako for this week."

"Teka, ano bang paboritong item ng boyfriend mo? Mahilig ba siya sa damit o sa relo? Pumili ka ng mga  simpleng bagay na pwede niyang magamit araw-araw, di ba, mas maganda pa."

" Nahihiya naman kasi akong magbigay sa kanya ng damit bilang regalo eh. Isa pa, binibigyan naman sila ng mga ganung bagay everytime may pictorial sila kaya sa tingin ko hindi na niya kailangan ng damit eh."

"Well, sabagay may point ka, friend. Nakakahiya talaga kasi puro branded ang sinusuot nila sa photoshoot, di ba? Baka hindi rin siya sanay magsuot ng mga hindi signature clothes. Baka mangati pa siya."

Nag-isip ito ng malalim.

"Alam ko na!" Hinampas pa nito ang katabing lamesa.

Nagulat ako sa ginawa nito. Muntik na akong mapasigaw.

"Eh kung brief na lang kaya, friend. Tutal naman lagi din namang nakahubad ang boyfriend mo kapag rumarampa siya eh di regaluhan mo ng underwear." Seryoso ang mukha nito. "Para medyo sexy and naughty ang dating."

Namula ang pisngi ko. Nahiya ako sa sinabi nito. Hindi ko maimagine na magregalo kay Kino ng undergarments. Baka mahimatay ako bago ko pa maibigay dito ang regalo.

Kahit pa sabihing halos madalas nakatopless or shirtless ang boyfriend ko dahil na rin sa uri ng trabahong meron ito, nakakahiya pa rin sa part ko na magbigay s kanya ng ganong bagay. Di ko ata keri. *__*

"Kaya lang friend, dapat branded din ang ibibigay mong brief ha. Dapat bench or kaya Calvin Klaine. Kaso medyo may kamahalan nga lang din ang mga iyon." Dugtong ni Joy.

Kinuha ko na ang bag ko. Namumula na talaga ako sa mga ideas nito. Hindi ako sanay makipag-usap na ganon ang topic. Awkward talaga!

Binuksan ko na ang pinto.

"Teka friend, aalis ka na? May naisip ka bang bilhin sa mga sinabi ko sayo?"

"Huh? Ah, eh, wala pa. Bahala na nga lang kung ano ang makita ko mamaya sa mall." Ngumiti ako pagkatapos lumabas na agad ako ng kwarto.

Nakahinga na ako ng maluwag. ^__^

****

Kring....kring...kring.....kring.....

Tumatawag si Kino. Malapit na ako sa paradahan ng jeep.

"Hello? Oh bakit napatawag ka?"

"Nasaan ka? Off mo ngayon, di ba? May ibang lakad ka ba?"

My Famed Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon