Episode 04

85 0 0
                                    

The Federal Hotel

ROOM 304

"Sorry, I'm late." Wala sa loob na paghingi ng excuse ni Casey sa mga tao sa loob ng set. Maarteng umupo ito sa harap ng salamin.

Lumapit sa kanya ang make up artist.

"Ano ka ba naman, Casey. Kanina ka pa hinahanap ng photographer. Kanina pa dapat nagsisimula ang photoshoot. Bakit ngayon ka lang?" Sinimulan na nito ang paglalagay ng make-up sa mukha ng babae.

"Galing pa akong school." Walang ganang sagot nito.

"Hay naku, ikaw talaga. Buti na lang kanina pa dumating si Kino kung hindi magwawala na sa galit si sir Vincent Jimenez." Photographer ng pictorial ang tinutukoy nito.

Tumingin ito sa baklang nag-aayos sa kanya.

"Sinong Kino?"

"Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo. Nagkasakit kasi si Randolf, yung kapartner mo sana sa shoot kaya nagkaroon ng sudden replacement ng model. Si Kino ang kinuha ni sir Vincent para pumalit sa kanya."

Hindi nito pinansin ang huling sinabi ng kausap. Kinuha niya ang cellphone niya at ginamit ito habang patuloy siyang inaayusan ng baklang stylist.

"Hay naku sister, ang gwapo talaga ni Kino. Kapag nakita mo siya baka magkacrush ka din sa kanya.  Ang super hot kasi niya." Kinikilig na kwento nito.

" Type na type ko na agad siya unang kita ko pa lang sa kanya."

"So?" Maarteng sagot ni Casey. Tumingin ito sa nag-aayos sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko? Landiin ko siya para maipakilala ko sayo, ganon?"

"Ikaw naman oh! Parang nagkukuwento lang eh." Tinapos na nito  ang paglalagay ng make-up sa babae.

"O hayan, okay na ang make-up mo. Gora na kay sir Vincent, kanina pa naghihintay yun sayo."

Tumayo ito at hinubad ang suot na damit. Nakabra lang ito. Hinagis nito ang hinubad na damit sa harap ng make-up artist.

Nagdiretso ito sa kinaroroonan ng photographer. Napansin na nito ang pagdating niya.

"Finally, you're here." Sigaw nito.

"You're 30 minutes late, Casey." Halos naiinis na ito. "You know that I am very impatient and I really hate working with models who always come late."

"I'm sorry sir Vincent. Nanggaling pa po kasi ako ng school kaya nahuli ako eh. May exam pa po kasi ako kanina. Alam niyo naman po na priority ko po ang studies ko, di ba? " Maamong pangangatwiran nito.

As usual, plastic na naman ito.

"Okay, okay. Enough! Pumunta ka na sa gitna so we can start this photoshoot." Tinuro nito ang uupuan nito.

"Kino, tabihan mo na si Casey."

"Yes, sir Vincent." Nakatayo sa gilid si Kino. Nakahubad din ang pang-itaas nito.

Lumapit ito sa kaparehang babae.

"By the way, siya si Kino, Casey. Siya ang kapartner mo ngayon dahil wala si Randolf. I hope magkaroon kayo ng intimacy and connection mamaya sa bawat pose na ipapagawa ko sa inyo, okay?" Inayos na nito ang hawak na camera. "I want to see heat, sexiness and passion, understand?"

"Sure sir Vincent." Ngumiti si Casey.

Tumingin naman ito kay Kino.

"Nice to meet you." She offered her hand. "Wag kang maiilang sa akin ha. Gawin mo lahat ng gusto ni sir Vince. I want to make it perfect."

My Famed Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon