Episode 07

52 0 0
                                    

Pamilihang Bayan ng Maynila

8:30 AM

"Manang Lina, pabili po ng tinda niyong gulay."

Nakangiti kong bati sa matandang tindera sa loob ng palengke.

Suki na ako ni Manang Lina. Sa kanya ako palaging bumibili ng mga gulay dahil magiliw ito sa mga mamimili. Parating maaliwalas ang mukha nito kahit mag sisisenta'y singko anyos na ito.

"Ikaw pala Raine, ano bang gulay ang kailangan mo?" Nakangiting tanong sa akin ng tindera.

"Pumili ka na diyan. Tamang-tama kararating lang din halos ang mga paninda galing Baguio kaya sariwa-sariwa pa ang mga ito."

Pinagmasdan ko ang mga nakahanay na mga gulay. Tiningnan ko din ang hawak kong listahan ng mga dapat na bilhin.

"Papaya po at dahon ng sili, manang.  Magtitinola po kasi kami ni Joy." Ngumiti na rin ako.

"Aba, nagluluto ka pala. Kainam naman." Pumili ito ng gulay at inilagay sa hawak nitong plastic.

"Naku manang, hindi po. Si Joy po ang tagaluto, ako lang po ang nautusan niyang mamalengke." Tumawa ako.

"Baka po kasi maglasang sinigang kapag ako po ang magluto ng tinola, manang."

Napatawa na rin si Manang Lina.

"Ikaw talagang bata ka, kahit kailan lagi mo na lang ako binibiro."

"Totoo po yun, manang. Wala po talaga akong talento sa pagluluto. Tagatikim lang po ata talaga ang talent ko sa kusina."

"O siya siya, naniniwala na ako." Nakatawa pa rin ito habang inaabot ang plastic na pinaglagyan ng mga pinamili kong gulay.

"Wala ka bang pasok sa trabaho mo?"

"Meron po, manang Lina. Mamaya pa pong hapon. Panggabi po kasi ang pasok ko."

"Ganon ba.  O siya sige. May kailangan ka pa ba?"

Umiling ako.

"Wala na po, manang. Salamat po. Manok na lang po ang kulang sa mga bibilhin ko." Inabot ko dito ang bayad.

"Aba, tamang-tama pala may kakilala akong tindera ng manok diyan sa may labasan. Kumare ko. Kung gusto mo doon ka na bumili. Sabihin mong pinapunta kita sa kanya para mabigyan ka ng discount."

"Talaga, manang? Hindi po ba nakakahiya? Hindi naman po kasi niya ako kilala eh."

"Naku Raine, wag kang mag-alala, mabait ang kumare kong iyon. Inaanak ko kasi ang isa sa mga anak niyang babae kaya lahat ng iniendorso ko sa kanya na customer eh binibigyan niya ng discount."Ngumiti ulit ito.

" Wag ka ng mahiya, basta sabihin mo lang na pinapunta kita sa kanya ha."

"Sige na nga po, manang." Nakumbinsi na ako. "Tutal sayang din po kasi yung discount." Pagbibiro ko.

"Ano po bang pangalan ng tindahan nila, manang?"

"Basta ipagtanong mo lang sa mga tao doon ang tindahan ni  Aling Fely. Hindi ka naman mahihirapan maghanap dahil kilala din siya sa lugar na yun."

Ngumiti ako.

"Sige po, manang. Salamat po ulit."

***_______***

■■□■●□■□■●□▪■□○■○□□□☆☆☆☆☆■□■□■■□■□■□▪□■□■□■□■□■□■

"Tay, pwede po magtanong? Saan po yung tindahan ni Aling Fely?" Tanong ko sa napadaang may edad na ring lalake na nakasalubong ko sa may labasang bahagi ng palengke.

My Famed Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon