Paul Zyn POV
Maaga akong nagising ngayon dahil sa sobrang excite ko. First day ko kasi ngayun bilang fourth year high school sa Montecarlo University. Kaya agad akong naligo at nagbihis para ready na pumasok sa skwelahan.
Pag punta ko ng kusina ay nakita ko ang aking pinakamamahal na magulang.
"Morning pa, Morning ma." Bungad ko sakanila at hinalikan silang pareho sa pisngi.
Kahit naman na fourth year high school na ako ay humahalik parin ako sa kanila, sa pag gising at bago matulog. Gusto ko lang ipadama na mahal ko sila habang nabubuhay pa kami. Who knows? Mamaya o bukas wala na ako kaya gusto ko lang na iparamdam sakanila iyon.
"Kumain kana anak para makapasok kana at para maihatid kana nang papa mo." Nakangiting sabi ni mama
Nginitian ko lang ito at umupo na ako sa isang bakanteng silya na may kalumaan na. Nag dasal muna kami bago nag sandok nang kanin.
"Pasensya na nak. Yan lang lagi nating ulam, hindi pa kita napapakain ng masasarap na pagkain. Hayaan mo kapag nakarami ako ngayun ibibili kita ng masarap na ulam para mamayang gabi" nakangiting sabi ni papa
Naiiyak naman ako na lumapit sakanya at niyakap silang dalawa ni mama. Tuyo at itlog lang kasi lagi ang aming ulam. Ayus lang saakin iyo, hindi naman ako mapili sa pagkain. Ako lang kasi ang nag iisang anak nila mama at papa, isang tricycle driver si papa. Sakto lang sa pang araw araw na gastusin ang kita ni papa dahil nag me maintenance narin kasi sila ni mama. May diabetes kasi ang mama ko, si papa naman ay high blood lagi kaya kailangan nitong mag vitamins.
"Ayus lang ho. Ang mahalaga ay sama sama tayo at masaya." Nakangiting sabi ko sakanila at umupo na ulit para ipag patuloy ang pagkain.
Mabuti nalang at isa ako sa mga mapalad na napili bilang isang scholar sa sikat at prestihiyoso na unibersidad dito sa lugar namin. Hindi naman sa pag mamalaki pero isa naman akong matalinong bata, may pangarap at dignidad sa buhay. Oo nga at mahirap lang kami, pero hindi basehan yun para hindi makapag aral. Dahil ang pag aaral ay ang pinakaunang kayamanan na matataggap ko bukod pa sa pinakamamahal kong pamilya.
Ako nga pala si Paul Zyn Gil, 17 years old. 5'6 ang taas. Maputi rin ako dahil mestiso ako, may pagka blonde din ang buhok ko. Kulay sky blue din ang aking mata. At proud akong sabihin na bakla ako. Pero di ako nag susuot ng pambabaeng kasuotan. Don't get me wrong, wala akong anumang ibang ibig sabihin.
Hindi ako tunay na anak nila mama at papa. Base sa kwento nila ay may estranghero na babae ang nagpunta dito at ibinigay ako sakanila. Hindi naman ako galit sa mga totoo kong magulang, dahil sigurado ako na may matinding rason sila kaya nila nagawa yun. May pagkatampo pero hindi ako galit. Hindi ko din naman sila sinisisi kung bakit nila ako ipinamigay, hindi naman kasi nag kulang sila mama at papa sa pag mamahal at pangangaral na ibinibigay nila saakin. Nasa akin ang atensyon nila dahil narin siguro na nag iisang anak lang nila ako.
May komplikasyon kasi si mama sa matris kaya hindi sya mag kakaanak.
"Anak, sa makalawa dun kana muna kila tita Mariel mo. Medyo may kalayuan kasi ang bahay natin sa skwelahan mo, kaya naisip namin na makitira kana muna sakanila para hindi ka mahirapan sa pag pasok, Bibisita kami doon wag kang mag alala" pag bibigay alam sakin ni papa
"Po? Pero, ayos lang naman po sakin pa. Hindi naman po nakakapagod sanay narin naman po ako." Kunot noong sabi ko.
Hindi naman sa ayaw ko. Gusto ko naman dahil medyo mapapalapit ako sa skwelahan. Totoo naman kasi talaga na malayo ang tinitirahan namin sa papasukan kong skwelahan, ayoko lang na mahiwalay sakanila.