Chapter:2

2.5K 98 3
                                    

Paul Zyn POV

"1..2..3. Smile" sabi ng photographer.

Nandito kami ngayun sa Gymnasium kung saan kami kinukunan nang litrato para sa I.D kaya pala mahaba ang pila kahapon sa entrance ng gate ay mahigpit na ipinag babawal ang pambansa at sagradong moto ng mga security guard ang no I.D no entry.

Pagtapos kong mag pakuha ng letrato ay agad na akong bumalik sa pila ko. By section kasi ang pag kuha para hindi magulo kung sakali. Napaka ganda talaga nitong skwelahan na ito, para itong palasyo kaso may board lang at chalk HAHAHA

"Here" nakangiting sabi ni Glenn at inabutan ako ng isang miniral water.

"Salamat" nakangiting sabi ko sakanya.

"Ok class. Go back to your classroom, may aasikasuhin lang ako." Sabi ng adviser namin at nag mamadaling umalis.

Pag dating namin sa room ay nandun na agad ang next teacher namin. Nakinig ako ng mabuti dahil para rin naman saakin yun. Humahabol sana ako kahit sa top5 lang hehe.

Maaga rin akong nagising kanina, i guess mga 5:00 am. Nilalagnat kasi si mama kaya ako na ang nag handa ng makakain kanina. Hindi na namin sya inabala ni papa sa pag papahinga nya. Si papa naman ay pag tapos akong ihatid dito sa skwelahan ay nag mamadali ring umalis dahil wala daw kasama si mama sa bahay. Napapangiti tuloy ako sakanila.

"What's with that smile?" Nakangiting sabi ni Glenn sakin.

"Wala naman hehe" sagot ko rito.

Hangang ngayun kasi nahihiya ako na ewan pag kausap ko sya, siguro dahil hindi pa ako ganun kasanay sa presensya nito.

"By the way, this is our last subject wala ka bang gagawin mamaya? 3:00pm narin naman e." Sabi nito sakin.

"Ahmm. Maaga akong uuwi ngayun, may sakit kasi si mama. Walang mag babantay sakanya, kaya kailangan kong umuwi ng maaga." Sagot ko ulit

"Ahh ganun ba" malungkot na sabi nya. Napatitig naman ako sakanya.

Shoot! Oo nga pala! Naalala ko! May pangako nga pala ako sakanya na manonood ako ng laro nila mamaya. Na giguilty tuloy ako.

"Oo nga pala may laro kayo mamaya sorry" nakayukong sabi ko sakanya.

"Ayus lang, mas importante ang mama mo" nakangiti namang sabi nito pero may lungkot parin akong mababakas sa mata nya.

"Ahmm. Mag papaalam ako, tutal saglit lang naman e." nakangiting sabi ko sakanya.

Napatingin naman ito sakin na may malapad na ngiti.

"Ok! Ihahatid nalang kita pauwi!" Masayang sabi nito.

Ilang saglit pa ay natapos na ang huling klase namin. Nag lalakad kami ngayon papunta ng basketball Court dito lang sa likod ng building namin.

Halos malula naman ako pag pasok ko sa loob. Para itong stadium na pabilog, air condition din ang loob nito na sakto lang para hindi mainitan ang mga tao.

Marami ring taong nandito ngayun. Halos kapwa ko studyante at may ibang uniform rin akong nakikita na palagay ko ay taga ibang university. Masasabi kong puro gwapo at magaganda ang mga taong naririto ngayon, at makikitaan mo silang may mga kaya sa buhay base narin sa mga tindig at mga gamit nila.

"Tara maupo ka dun sa bench namin." Nakangiting sabi ni Glenn sakin. Aayaw pa sana ako kaso hinila na ako neto.

"Oh pre musta!" Narinig kong pag bati sakanya ng mga kasama nya. Nakipag manly hug naman sya sa mga ito.

Loving My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon