Paul POV"So naka hanap naba kayo ng partners nyo?" Pag pasok na pag pasok na Bungad ng Teacher namin .
Maaga akong nagising kanina, tinulungan ko ring mag luto si Aling pasing. Halos ma late na nga ako dahil puro kami kwentuhan.
Saka ko lang naisip na kailangan palang humanap ng partner, napka chismoso ko kasi dun sa mga kwento ni Aling Pasing nung nililigawan pa siya nung asawa nya e. Nakalimutan ko tuloy na kailangan palang humanap nang makakapareha pra sa gagawin namin.
"Diba partner tayo?" Taas kilay na sabi ni Glenn, kaya nginitian ko lang ito.
"So halos lahat na may partner? Ok. Kailangan mag tabi tabi kayong mag papartner bago ko i discuss ang gagawin ninyo." Sabi ni ma'am. Kaya nag sikilusan na kami at pumunta sa harap.
Lahat kami ay pumunta sa harapan at kami na mismo ang nag ayos ng lugar namin. Hindi na kami bata para turuan, so ayun nga, halos lahat na nakaupo pero tatlo nalang kami na nakatayo dito, and guess what? Kaming tatlo ni Glenn at Kaizer ang naka tayo.
"So i guess ang mga naka tayo nalang ang mag papartner? Go back to your seats now. I will discuss kung ano ang dapat nyong gawin" sabi ni ma'am kaya naupo na yung dalawa, pero wala ng ibang bakante kundi yung nasa pagitan nila kaya dun ako naupo.
"So, you need to do a re-search, and you need to discuss and explain it here. Now, you all need to do a report, any kind of report will do. Pila na mga leader's Bubunot kayo ng Topic" sabi ni ma'am
Ramdam ko naman yung pag kalabit nang nasa kaliwa ko, nakita ko si Glenn na parang walang idea sa gagawing report.
"Don't worry, ako na bahala sa report. Ikaw na sa re-search." Nakangiting sabi ko rito.
"Ikaw na maging leader, di naman interesado yang si Wyne for sure." ngiti ngiting sabi nito sakin. Kaya wala nakong nagawa at tumayo na.
Pag ka bunot ko palang, at binasa ko na agad kung ano ito. "All about love"
Habang pinag uusapan namin ni Glenn yung gagawin at i ta topic namin ay bigla nalang may nag salita sa gilid ko.
"What work will i do?" Inaantok na sabi ni Kaizer.
"Hmm pare, kami na bahala sige" nakangiting sabi ni Glenn
"No. Give me a task. I can do it" derechong sabi nito kaya tinapik ko nalang sa balikat si Glenn at tinanguan ito.
"Ok. Kayong dalawa nalang ni Glenn ang gagawa sa re-search, ako na sa reporting? Ayus ba yon? Or gusto nyo rin mag report?" Pag tatanong ko sakanila
"Hmm ayoko mag report haha" kamot batok na sabi ni Glenn, napaka cute ng lalaking to.
"Yeah, mag rereport din ako" sabi ni Kaizer at nag subsob ulit sa mesa nya.
Akala ko walang balak makipag cooperate kaya hindi na namin siya inistorbo sa pag tulog niya, pero mukhang mas mapapadali ang trabaho dahil tutulong siya.
****
"Hoy! Bakulaw! Kahit minsan subukan mong manlibre! Napaka kuripot mong Casanova ka!" Bulyaw ni Jenny kay Owen sabay batok dito.
"Neknek mo! Pandak!" Pang iinis naman ni owen kay Jenny at dinilaan pa ito.
Habang nag tatalo ang dalawa, saka naman dumating si Maximus at Liza na may dalang apat na Red Velvet Cake, at may mga babae din silang kasama na humahawak dun sa mga tray.