Hey guys!! Don't foget to vote and comment hihi! Enjoy reading!Medyo ni revise ko lang ng ontiiii
*******
Paul Zyn POV
"Anak eto na lahat ng mga gamit mo? Wala bang naiwan duon sa bahay?" Sabi ni mama habang tinitignan ang mga dala kong gamit.
Nandito kasi kami ngayun kila Tita Mariel. Ngayon ang pag lilipat namin ng mga gamit ko, 5:00am palang naman kaya maaga pa para pumasok.
"Opo ma. Pero iniwan ko yung iilan kong damit dun para kung sakali man na dun ako matulog may gagamitin ako." Nakangiting sabi ko sakanya.
"Oh sige. E yung KAIBIGAN mo na nag hatid sayo kagabi, nasabihan mo naba na lilipat kana? Sabi kasi nya pupuntahan ka nya ng madalas dun sa bahay e" nakangising sabi naman ni Tatay.
Kahapon pa nila ako kinakatyawan dahil lang sa pag hatid sakin ni Glenn. Sinabi ko na sakanila na mag kaibigan lang kami pero ayaw talaga nilang maniwala, pero yun naman ang totoo. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Glenn. Actually sya pa nga ang bumili ng inulam namin kagabi. Habang pauwi kasi kami kagabi ay dumaan pa kami sa Andox para bumili ng isang buong lechon na manok. Akala ko nga iuuwi nya, para saamin pala.
"Pa. Kaibigan lang po talaga." Nakangiti kong sabi sakanila.
"Ohsya sabi mo e. Makikita at makikita rin namin kung kaibigan ba talaga" nakangising sabi ni mama
Nandito kami ngayun sa magiging kwarto ko. Lumabas saglit si Tita Mariel para ikuha kami ng makakain. May tatlong anak si Tita, lahat sila ay nag tatrabaho na sa ibang bansa. May kanya kanya narin silang pamilya, pwera nalang kay kuya Ken. Wala na ang asawa ni Tita na si tito Troy. Namatay kasi ito last 7 years? Sa isang car accident.
"Oh eto at mag kumarin na muna kayo" pasabi ni Tita habang may bitbit na tray.
"Mariel salamat ha. Naku ang dami mo ng nagawa saamin" sinserong pasasalamat ni papa.
"Ano ba naman kayo! Ayan nanaman kayo, hindi na ako mag tataka kung bakit magiging iyakin din itong si Paul kung nagkataon." Natatawang sabi ni tita kaya natawa narin kami.
"Osige anak, aalis na kami ahh? Mag ayos karin jan sa magiging kwarto mo. Nakakahiya naman kay Tita Mariel mo kung sya pa ang mag lilinis nyan. Wag na wag mong bibigyan ng sakit sa ulo ang Titta mo ahh? Tumulong ka rin sa gawaing bahay." Bilin sa akin ni mama.
"Opo ma" nakangiting sabi ko at niyakap ko silang mahigpit.
"Sige na at 6:30am na pala. Mag ayos kana para makapasok kana sa skwelahan." Napabaling naman ako nang tingin kay papa.
"Bakit parang nag mamadali kayo pa?" Nakangiting sabi ko sakanya
"Mag ho-honey moon pa kami ng mama mo." Pilyong ngiting nakapaskil sa mukha ni papa. Na ikina pula naman ni mama haha.
"Kayo talaga! At sa harap pa mismo ng anak nyo. Sige na para maka rami kayo este maka pasada kana" natatawang sabi ni tita Mariel.
Nang maka alis sila mama at papa ay pumunta na ako ng banyo para maligo. Maayos naman ang magiging kwarto ko, kulay sky blue ang pintura nito sa loob, may maliit na couch at may study table din sa gilid. May kalakihan ding kama. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na ako sa baba para kumain. Hindi ko pa pala nasasabi na second floor ang bahay nila Tita.
"Oh Paul tara na ijo at kumain na tayo. Nakapag handa na si aling Pasing." Nakangiting sabi ni Tita na tinanguan ko lang at nginitian.
"Tita maraming salamat po ahh."