Paul POV"Pass the ball!!" Sigaw ng coach nila.
Nandito kami ngayun sa Gymnasium ng school, pinapanood naming mag training sila Glenn, Ryle, Owen at Kaizer. Halos naliligo narin sila sa sarili nilang pawis bago pumito ang coach nila para mag break. Kaya minabuti na naming lapitan sila.
"Nice training!" Nakangiting sabi ni Nicole kay Ryle at inabutan ito nang isang bottle ng mineral water, sabay punas ng pawis na nasa mukha ni Ryle. Ang sweet nila.
"Baby i want hug!" Pa baby na sabi ni Owen kay Jenny.
"Hug your face qaq*" inis na sabi ni Jenny sabay pakita ng Dirty finger nito kaya natawa nalang kami.
Si Liza at maximus naman ay sobrang tahimik, ewan ko ba, kanina pa sila ganyan.
Si Cason at Razel naman ay wala, may inaasikaso daw silang importanteng bagay.
Habang nag tatawanan ay bigla namang may sumulpot na higad. Naiinis ako pag nakikita ko yung pag mumukha ng babaeng to, sino paba? Edi si Hazel!
"Hey babe, pagod na pagod ka ah. Halika nga punasan ko yang likod mo" malanding pag kakasabi nito, at hinubad ang t-shirt ni Kaizer
Eto namang lalake na to, parang enjoy na enjoy pa. Kung maka ngisi wagas. Tawa naman ng tawa yung mga kaibigan ko, tang*na. Nakakadiri.
"Hey! Kawawa yung plastic bottle!" Natatawang sabi ni Liza kaya napatingin ako sa hawak kong bote na lupit na ngayon.
"Tss" yun lang yung sinabi ko at lumabas nako nang Gymnasium para mag palit ng masusuot.
Pumunta muna ako sa locker ko para kunin yung jersey short at jersey na susuotin ko mamaya para sa Tryout nang Volleyball.
Naalala kopa nung una kong nakausap yung coach sa Mens volleyball team nila dito sa school, para sana tanungin kung pwede ba akong sumali. Siya rin ang nag sabi na may Tryout.
Pag tapos kong kunin ang mga susuotin ko ay dumeretso nako sa CR para makapag palit. Sinuot ko rin yung mga kneepads ko incase. Pag dating ko dun medyo marami palang mag ta-tryout.
"Hi? Mag ta, tryout ka rin?" Sabi nang nasa gilid ko.
Napatingin naman ako sakanya mula ulo hangang paa. May hawak itong bola at naka suot narin ng pang VB attire. Grabe ang gwapo nya! Pero parang ngayon ko lang siya nakita, mukhang malakas din to base sa tindig niya at kung paano nito hawakan yung bola
Napakamot nalang ako sa ulo dahil nahihiya ako. "Oo hehe. Try ko sana?" Medyo mahinang sabi ko.
"Haha your cute, tara punta na tayo dun mukhang mag uumpisa na" nakangiting sabi nito, ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya sa kaliwang pisngi.
*PRRRT!*
Nang marinig namin yung pito ay agad kaming pumunta sa harapan ni coach at nag hinatay ng sasabihin niya. Tatanungin ko sana kung anong pangalan ng kasama ko pero wala na siya sa tabi ko.
"Good Afternoon to each and everyone, I'm Coach Rain Hertz. Ako ang magiging trainor niyo sa apat na buwan. Ok. So today is the start of the training, military training ang gagawin kaya sana makatagal kayo. Siguro naman aware kayo na sobrang dami nyo, mas marami ang nag tryout ngayon kesa noon. May dalawa pa akong player na natitira. Ngayon ay kukuha lang ako sainyo nang 12, dahil 14 players lang ang maximum. So i hope gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya para masali sa 12 na kukunin namin" mahabang paliwanag ni Coach