Paul POV"Paki lagay nga ito sa mesa ijo" malambing na sabi ni Aling Pasing.
Sabado ngayon at 8:30am na. Nag hahanda kami ng makakain ni Aling Pasing dahil uuwi daw ang isa sa mga anak ni tita, may tatlong anak si tita. Ang panganay ay si Kuya Nicolo, kumalawa ay si Kuya Ken at ang bunso ay si Kuya Martin. Hindi sinabi samin ni tita kung sino ang darating kaya wala kaming alam kung sino sa kanilang tatlo.
"Ayos naman ba ang mga niluto natin? Masarap ba Paul?" Tanong ni Aling pasing. Nginitian ko naman ito at nag thumbs up pa.
Ilang oras lang ay may bumusina na sa labas. Kaya ako na ang nag bukas ng gate, tinulungan ko narin silang mag pasok ng mga bagahe at nung mga kahon na dala nila. Jsq ewan ko lang kung la-laki pa ako neto. Dahil sobrang bigat nitong mga bagahe.
Pag pasok ko sa loob ay isang napaka gwapong lalaki ang bumungad sakin. Nakakasilaw ang kagwapuhan nya, charing! Si Kuya Ken pala ang dumating, pag ka kita nya sakin ay agad nya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.
You read it right? Hinalikan nya ako sa noo. Wala lang yun kasi lahat naman silang mag kakapatid ginagawa sakin yun, dati rin kasi akong namalagi dito sakanila kaya kapatid narin ang turing nila sakin. Bunsong kapatid to be exact.
"Kamusta naman ang bunso namin dito sa pinas?" Masayang sabi nito habang akbay ako
"Ayos lang po kuya" nahihiyang sabi ko sakanya.
Kung dati ay ayos lang saakin na hinahalikan nila ako sa buong mukha, 'pwera lang sa lips syempre' ngayun hindi na ako sanay. Matanda na kami at the same time ay nakatingin samin si Tita. Pero naka ngiti lang ito na parang wala lang sakanya ang nakita, hindi naman sa binibigyan ko ng kahulugan ang pag halik sakin ni Kuya Ken, nakakailang lang haha.
"May mga pasalubong sayo si Kuya bunso. Marami akong biniling chocolates galing states. Tapos may mga Red Velvet cake jan sa kotse, diba favorite moyun?" Nakangiting sabi nito, habang binubuksan ang isang kahon.
"Sayo lahat to!" Masayang sabi nya at halos mangislap naman ang mata ko dahil sobrang dami nang chocolate na nasa kahon nayun, kaya pala sobrang bigat.
"Ohsya, mamaya na iyan, kumain na muna tayo. Aling pasing, samahan nyo na ho kami sa pag kain" sabi ni Tita at duon na kami nag patuloy mag kwentuhan habang kumakain.
*****
Nakaupo lang ako dito sa sala habang kumakain nang Dairy milk na chocolate na binigay ni Kuya Ken. Habang siya ay nasa tabi ko at nag lalaro nang PsP. Para talagang bata.
"Bunso? Subuan mo nga ako nyang kinakain mo, mukhang masarap e." Sabi ni Kuya habang naka tutok parin ang tingin sa nilalaro nya.
Kaya sinubuan ko naman sya. Ilang minuto pa nang bigla nya nalang akong hinalikan sa pisngi tapos pumutol siya nang kalahati sa kinakain kong sokolate at pinahid ito sa mukha ko. Halos manlaki naman ang mata mo dahil sa ginawa nya, kaliligo ko lang eh!
"Kuya naman! Kaliligo ko lang! Ang lagkit oh!" Inis na sabi ko sakanya, pero dinilaan nya lang ako.
"Ah ganon ah! Humanda ka"
At ayun nga, nag habulan kami sa buong sala. Puno na ng chocolate yung mukha ko at mukha nya, natunaw narin yung sokolate na hawak ko at pinahid sa damit at baba nya. Haha buti nga.
"Ok. Enough! Tama na ayoko na" natatawang sabi nito.
Natigil lang kami ng biglang may mag door bell. Kaya lumabas ako para pag buksan ito ng pinto. Pero nagulat ako nung makita ko si Glenn.