Chapter:4

2K 78 0
                                    

Third persons POV

"Anong balita" nakangiting sabi ng lalake na prenteng nakaupo habang naka dekwatro ang paa.

Nakasuot ito ng Americana. Isa ito sa mga tanyag na businessman sa buong mundo. Kaya kilalang kilala ito sa larangan ng pag nenegosyo. Lalo na sa kanilang bansa. Hindi rin maipag kakaila na kahit 56 na ito ay angat parin ang kanyang kagwapuhan at kisig ng katawan.

Yumuko muna ang lalaking dumating na may hawak na letrato, bago ito nag salita.

"Maayos naman po ang kalagayan nya, sya ay kasalukuyang nag aaral ngayon, at mukhang napalaki naman ho siya ng maayos." Magalang na pag sabi nito

Napabuntong hininga nalang ang lalakeng nakaupo sa swivel chair. Pinaikot nya ito at humarap sa likod, kung saan makikita ang buong Village na pinatayo nya para sa kanyang nag iisang anak.

"Good. Sundan mo lang siya at wag kang pahahalata na sinusundan mo sya. Makakaalis kana" ma otoridad na sabi ng lalaki.

Yumuko naman ang kanyang inutusan bago lisanin ang silid.

"Balang araw, hindi ngayon pero may tamang panahon para kunin kita anak" nakangiting sabi nang lalaki habang naluluha.

***

Paul POV

"So, can you find X? Okaya naman para hindi ka maguluhan? Ganto nalang, what is the value of X?" Pag tatanong ko kay Glenn

Nasa library kasi kami ngayun, actually halos kalahating oras narin kami rito, may kalahati pang oras para sa next subject. Oras kasi ng math subject namin, kaso wala yung teacher kaya wala kaming gagawin, pero nung sinabi ni Glenn na nahihirapan daw siya sa mga lessons sa math kaya pumunta kami dito sa library at eto na nga, ako muna ang tutor nya ngayun.

"X? Pano pa mag kakaroon ng value ang X, kung EX na nga?" Inosenteng sagot nya, kaya napakamot nalang ako nang ulo.

Sa halos ilang araw kong kasa-kasama si Glenn ay halos kilala ko na ito. Makulit, matakaw at mahilig sa Ice cream kaya lalo kaming nag kasundo. Gwapo rin itong si Glenn kaya hindi na ako nag tataka kung bakit laging puno ng chocolates ang locker nito.

"Haist! Seryoso na kasi, kanina kapa humuhugot e" natatawa kong sabi rito.

Habang mahinang nag tatawanan kami dito ni Glenn ay biglang may babae na lumapit sa kalapit lang namin na table.

"Hi baby? Wan't to taste my pussy?" Halos mabilaukan naman ako sa sinabi nya kahit wala naman akong kinakain.

Nag angat naman ng mukha yung lalaking sinabihan niya at laking gulat ko ay siya yung Boyfriend nung babaeng nakaaway namin ni Nicole. Yung babaeng sinabing binubully daw namin -.-

Nakita ko namang napatingin yung lalaki sa babae. Pansin ko ring napakaikli ng palda nung babae, at bukas din ang unat pangalawang botones ng blouse nito at kitang kita na ang cleavage nito. Tinignan ito ng lalaki mula taas hangang baba, hangang sa sumukob ito ulit.

"Slut" bulong ko naman at alam kong narinig yun ni Glenn

"Hayaan mona sila" nakangiting sabi ni Glenn kaya, ipinag-patuloy nalang namin ang ginagawa namin kanina.

Pero hindi ko talaga maiwasang mapatingin, ewan pero naaawa ako sa babae kahit na 'kagustuhan nya?' Kasi siya rin naman ang mawawalan at hindi yung lalaki. Mukhang hindi naman susuko yung babae hanggat hindi umo-oo yung lalaki. Lumapit pa ito at kitang kita ko kung paano idikit nung babae yung bo*bs nya sa braso nung lalaki.

"Hangang ngayun, matinik parin talaga sa chix yang si Wyne. Akalain mo, nakasukob na pero nilalapitan parin HAHA" Ngising sabi ni Glenn habang iiling iling.

Loving My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon