Ryle POVNandito kami ngayun sa room at nakikinig sa report ni Wyne at ni Paul. Nakakapag taka lang at nakipag cooperate itong si Wyne. Ayaw na ayaw niya kasing nag sasalita kaya malaking question mark talaga. Eto namang si Paul ay napakagaling mag report, talaga namang ramdam na ramdam namin ang kanyang mga binibitawang salita, kaya medyo mabigat ang ambiance dito sa loob nang room dahil 'Broken heart' ang topic nila.
"Alam niyo? Kanina nanginginig ang kamay ni Paul. Parang hindi siya sanay na mag salita sa harap nang maraming tao. Sobrang cute niyang tignan, pero look at him now. He's like professional Teacher, the way he speaks, he pronounces the word, dinaig niyapa tayong lahat." Nakangiting sabi ni Liza.
Totoo naman kasi ang sinabi ni Liza, totoong napaka cute nitong si Paul, noong una ko itong nakita akala ko babae, kaso nakita kong naka pants at naka pang uniform ito nang kagaya samin kaya agad kong napagtanto na lalaki ito. Napakaputi kasi nang balat nito, idagdag mo pang ang liit nito kumpara samin, napaka ganda rin nang mata niya, medyo malamya kumilos kaya aakalain mo talagang babae siya sa unang kita, mala anghel din ang boses niya. Ang swerte nang magiging Boyfriend nito panigurado.
"Is that all?" Tanong nang professor namin. Nakangiting tumango naman si Paul habang si Wyne naman ay Bored look lang ang isinagot nito.
"I have a question!" Sabi nang classmate naming si Alvin, siya ang class president namin dito sa Room.
"Some of us, takot ng mag mahal ulit. Palagay ninyo bakit?" Tanong nito kaya napatingin kaming lahat na mag babarkada kay Glenn na nakayuko ngayun. Pwera lang kay Paul na nakatingin kay Alvin.
"Kasi mahirap nang mag tiwala, masaktan at maiwan nanaman sa napakaraming pag kakataon. Bubuoin mo nanaman yung sarili mo tapos wawasakin nanaman nang taong di makita ang halaga mo." Sagot ni Paul.
Napatulala naman ako sakanya dahil sa ilang ulit kong narinig ang boses niya ngayung umaga kundi dahil sa sobrang galing niyang mag bigkas nang nag salita, parang napag dadaan na niya yung mga bagay na sinasabi niya kaya na i eexpress niya ito nang maayos. Ramdam na ramdam namin kung paano niya bigkasin at damdamin ang mga salitang lumalabas mula sa bibig niya.
"Me! I have a question, para naman kay Wyne." Pabebeng sabi ni Layla, secretary nang room namin. Isang sipsip sa guro na di alam kung sino ang kakaibiganin dahil sa sobrnag ka plastikan at ka baliw kay Wyne.
Tinignan lang ito ni Wyne na para bang nag hihintay sa itatanong nito, natawa naman kaming mag babarkada dahil sa inakto ni Wyne.
"He's so rude." Natatawang sabi ni Razel
"As usual" pag pipigil nang tawa naman ng asawa kong si Nicole.
"Ok. Here is the question, Ipag lalaban mo ba ang taong Mahal mo kahit hindi ka mahal?" Seryosong tanong nito. Nakita naman namin napaseryoso rin ang mukha ni Wyne.
"Based on the Book of Rigo's Curse of ClumsySorcerer. Life is full of choices. We make poor choices and worthy choices. But, whatever it will be, always choose to love. Because love covers millions of pains." Walang emosyong sabi nito.
"Wow. Is that Wyne?" Mangahang sabi ni Jenny
"Unbelievable" O.A naman na sabi ni Owen
"Nice saying." Nakangising sabi naman ni Maximus.
Wala pang alam si Paul sa mga pinag dadaanan nang mga ibang barkada dahil bagong Kaibigan lang naman namin siya, actually sa dami nang nakikipag kaibigan saamin ay siya lang talaga ang winelcome namin nang buo sa grupo. Lahat kami ay magaan ang loob sakanya maliban lang sa isa, pero alam naman namin na nirerespeto ni Wyne ang kagustuhan namin kaya pinabayaan niya nalang kami. Well palagay ko malalaman din ni Paul yun sa tamang panahon.