Chapter:9

1.7K 78 0
                                    


Paul POV

Maaga akong nagising ngayun dahil maaga din ang klase ko. Napatingin ako sa alarm clock na nasa gilid nang kama ko at nakita kong 5:37am palang pala.

Naisipan ko munang bumaba at pumunta sa kusina baka sakaling gising na si Aling pasing at makatulong naman ako sa pag luluto.

Hindi naman ako sinabihan ni tita na tulungan kong mag luto si Aling pasing nang mga dapat ihandang pag kain sa araw araw. Ako mismo ang nagsabi na tutulungan ko siya at dahil makulit daw ako ay pumayag na ito.

"Good morning Aling pasing!" Masiglang bati ko rito.

"Magandang umaga rin Iho. Naku, buti maaga kang nagising? Kadarating ko lang galing palengke, namalengke ako nang ulam para ngayong umaga." Nakangiting sabi nito.

Pag tapos namin mag luto ay sakto naman na bumababa si Kuya Ken na naka boxer shorts lang at walang pang itaas na damit. Litaw na litaw tuloy six packs abs nya. Busog nako, charing!

"Good morning bunso" inaantok na sabi nito sabay lapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Good morning din po Kuya" nakangiting sabi ko rito.

"Hali na kayo at kumain na, nakapag luto na kami ni Paul, Sir. ken, kain napo. Mabuti pa at mag damit muna ho kayo baka malamigan ang likod nyo" sabi ni aling pasing na agad namang sinunod ni Kuya Ken.

*****

Pag tapos kumain ay agad na akong umakyat sa taas para makaligo. Saglit lang naman ako maligo hindi naman ako babae para mag inarte nang kung ano ano sa katawan haha. ( sorry gurls! Hihi peace tayo )

Maaga pa naman kaya lalakarin ko nalang, diba walking distance lang naman?

Nakita ko naman si Kuya Ken na pinupunasan yung kotse niya mukhang aalis yata.

"Oh? Papasok kana? Tara sabay kana sakin, susunduin ko din si Mama sa Denzel King's Hotel. Jan lang sa malapit, madadaanan naman yung school mo kaya tara na. At walang hihindi!" Wala na akong nagawa kaya sumakay nalangako sa kotse nya.

*

"Oh, nandito na tayo, ingat bunso ah?" Nakangiting sabi ni Kuya, tinanguan ko lang ito at lumabas nako nang sasakyan.

Habang tinatanaw ko ang papaalis na sasakyan ni Kuya Ken nang biglang may umakbay sakin. Dahilan naman para magulat ako.

"Ay palaka!" Nasabi ko dahil sa gulat.

"Oh? Gulat ka? Gwapo ko no?" Nakangising sabi nito sabay tawa nang malakas.

"Glenn naman! Nakakagulat ka! Papatayin mo ba ako?"

"HAHA. Tara na hanapin na natin yung si Wyne. Kailangan natin mag usap usap para sa report na gagawin natin." Sabi nito kaya nag umpisa na kaming maglakad.

Pag dating namin sa room ay wala pa ang teacher namin, 7:00am palang naman kaya maaga pa. Nakita ko ding nakaupo na ang mga kaklasi ko at may mga ginagawang kung ano ano. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na kumakaway sa likuran kaya pumunta kami ni Glenn dun.

"Good morning! Nakangiting bungad samin ni nicole.

"Good morning! Ow, what's with the Akbay?" Nanunuksong sabi ni Razel

Dun ko lang napagtanto na hangang ngayun pala ay nakaakbay parin sakin si Glenn! Kaya pala pinagtitinginan kami nang nga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. Haisst!

Loving My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon