"Tala"

66 3 0
                                    


Sa pagkagat ng dilim sa kapaligiran ay biglang namutawi

Sa aking isipan ang mga salitang nagmula sa iyong labi

"Hindi maaari" sambit mo na siyang nagbigay lungkot at siya ring ikinubli

Hindi magawang magdamdam dahil ikaw para saakin ay katangi-tangi

〰〰〰〰〰

Lumunok ng nagbara sa lalamunan ang bato na nagmula sa kung saan

Nangilid sa mga mata ang luha dahil sa lungkot na naramdaman

Hindi matanggap sa sarili na sila'y walang tiwala sa kakayahan

Nakakapanghina malaman na ngayo'y 'di ka magawang ipaglaban

〰〰〰〰〰

Mga positibong bagay ang nais mamalagi at itatak sa isip

Ngunit ang negatibong bagay saakin ay tila hangin na umihip

Sa sandaling ito ay kay sarap magtungo at mamalagi sa alapaap

Dahil alam ko sa paraiso na iyon ay may matutupad na pangarap.

〰〰〰〰〰

Sa pagtatapos ng tula ay mayroon akong napagmasdang mga tala

Ang ganda at kinang nito ay kay sarap pagmasdan at nakakamangha

Sumisimbolo ito na sa bawat dilim ay mayroong liwanag na makikita

Tala ang nagsilbing kasagutan sa mga tanong at nagbigay sa puso ng pag-asa.


-Sa mga nakarelate at nagustuhan itong aking ginawang tula.Please vote and comment.Maraming salamat!

-M.M.S🍃





Sari-saring TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon