Inay nais ko sanang magpasalamat
Sa iyong handog na pagmamahal na tunay ngang sapat
Lagi mong sinasabi ang mga tama at hindi dapat
Walang pagkukulang kahit pa ang buhay ay salat
🏵🏵🏵
Sa tuwing nadarapa mga luha'y iyong pinupunasan
Lungkot sa mga mata mo'y hindi matatawaran
Ayaw na ayaw mong kami'y umiiyak at nasasaktan
Dahil pinaparamdam mong kami ang iyong kahinaan
🏵🏵🏵
-Mahal na mahal tayo ng ating mga ina❤Happy Mother's Day!
Na-late lang ng pag-publish.Sorry po.Hehe!-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
AcakIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃