Ginoo,ibig ko sanang iyong mabatidMga ngiti mo saakin ay kasiyahan ang hatid
Sa bawat segundo at minuto nais kong hawakan ng mahigpit ang iyong palad
Nang sa ganoon maiparamdam ko sayo, na sa Maykapal ikaw ang tanging hangad.
⚌⚌⚌
Hindi malaman ang gagawin nang ito'y iyong malaman
Pag-ibig para sayo sana nama'y iyong pagbigyan
Kahit pa sabihing siya ang gusto mo,iyon ay aking naiintindihan
Walang minuto o oras na hindi ka pinahalagahan.
⚌⚌⚌
Ilang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ikaw pa rin
Hindi kayang maghanap ng iba dahil ikaw lamang ang para saakin
Ikaw ang aking liwanag sa gabing madilim
Ikaw ang natatanging perlas sa isang karagatang malalim.
⚌⚌⚌
Minsan napapaisip kung ikaw
nga ba ay totooMasyado kitang gusto kahit pa alam kung iba ang iyong nasa puso
Sa tagal ng taon na nagdaan sa huli sa iyo pa rin ang bagsak ko
Hanggang pangarap na lamang siguro ang kaalamang ako rin ay mahal mo.
-Kung inyo po itong nagustuhan,maaari po kayong mag-vote at mag-comment at iyon ay malaking tulong po saakin.Maraming salamat!
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
AléatoireIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃