Sa pagkagat ng dilim sa kapaligiran ay biglang namutawiSa aking isipan ang mga salitang nagmula sa iyong labi
"Hindi maaari" sambit mo na siyang nagbigay lungkot at siya ring ikinubli
Hindi magawang magdamdam dahil ikaw para saakin ay katangi-tangi
〰〰〰〰〰
Lumunok ng nagbara sa lalamunan ang bato na nagmula sa kung saan
Nangilid sa mga mata ang luha dahil sa lungkot na naramdaman
Hindi matanggap sa sarili na sila'y walang tiwala sa kakayahan
Nakakapanghina malaman na ngayo'y 'di ka magawang ipaglaban
〰〰〰〰〰
Mga positibong bagay ang nais mamalagi at itatak sa isip
Ngunit ang negatibong bagay saakin ay tila hangin na umihip
Sa sandaling ito ay kay sarap magtungo at mamalagi sa alapaap
Dahil alam ko sa paraiso na iyon ay may matutupad na pangarap.
〰〰〰〰〰
Sa pagtatapos ng tula ay mayroon akong napagmasdang mga tala
Ang ganda at kinang nito ay kay sarap pagmasdan at nakakamangha
Sumisimbolo ito na sa bawat dilim ay mayroong liwanag na makikita
Tala ang nagsilbing kasagutan sa mga tanong at nagbigay sa puso ng pag-asa.
-Sa mga nakarelate at nagustuhan itong aking ginawang tula.Please vote and comment.Maraming salamat!
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
RandomIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃