Kailan nga ba masasambit ang mahiwagang kataga?
Kung sa bawat hakbang ko'y natatakot akong bigla kang mawala
Kung akin itong ipagtatapat iyo nga ba itong matatanggap?
Ayaw kong isipin mong ako lamang ay nagpapanggap
⚫⚫⚫
"Bukas na lang" laging sambit kahit nasa tamang pagkakataon
Natatakot kasi akong ipagtapat kung ito'y hindi naaayon
Paano masasabi kung lungkot at pangamba ang nararamdaman?
Pangangatog ng tuhod ay siguradong hindi mapipigilan
⚫⚫⚫
Sa tuwing naiisip na ikaw sa umaga'y masisilayan
Para akong nasa ulap na nahihiwagahan
Tinatanong sa sarili kung hanggang kailan
Itatago ang pangalan mong sa puso ay naninirahan
⚫⚫⚫
Oh kailan nga ba maaamin sayong mahal kita?
Baka 'pag nalaman ika'y umiwas na
Ngunit hindi nga naman malalaman kung 'di susubukan
Bukas na bukas din asahan mong ako'y magtatapat na sa aking nararamdaman
-Maari po kayong mag-vote at mag-comment kung inyo po itong nagustuhan.Maraming salamat!
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
RandomIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃