Ilang kalsada man ang aking dapat tawirin
Kahit pa mga paa ko'y ayaw akong sundin
Pilit pa ring itutulak ang aking hangarin
Puso mo lamang ay aking maangkin
Takot mang lumangoy sa malalim na karagatan
Hihingang malalim at ito'y aking ilalaban
Sapagkat malunod man ang aking nararamdaman
Alam kong sa'yo lamang ito, hampas ng alon man ang humadlang.
Noong ako'y bata pa'y natatakot umakyat sa puno
Nahahabag ako sapagkat alam kong walang sasalo
At ngayo'y masasabi kong ako ay matapang na
Tumaya sa sugal kahit pa alam kong maraming mandaraya.
Marami mang balakid ang hatid ng aking pagsinta
Walang makakatalo sa pag-ibig na sa puso nagmumula
Aking kakalabanin kahit pa ang tinatawag na "tadhana"
Masiguro lamang na sa huli ay tayo nga ang para sa isa't-isa.
-Vote &Comment po kung inyo pong nagustuhan.Maraming salamat!
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
RandomIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃