Hindi mawari sa sarili kung bakit ikaw paSa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sa'yo pa?
Ikaw ang kaligayahan na ang tanging nais ay masilayan ka
Sa liwanang na hatid ng araw ito'y nagbibigay kulay pagsapit ng umaga.
➰➰➰Batid kong hindi ako ang tipo ng isang katulad mo
Walang magandang buhok at mga matang maamo
Ngunit kahit na ganoon nais ko pa ring ako'y mapansin mo
Dinggin mo sana ang pagbilis ng tibok na nanggagaling sa aking puso.
➰➰➰
Isang gabi pinadalhan mo ako ng mensahe na tungkol sa kanya
Lubos ang kaligayahan mo dahil tinukso kayong dalawa
"Bagay na bagay" sambit ng mga kaibigan niyo na sa mga sandaling iyon ay tuwang-tuwa
Hindi mo alam pero nasaktan ako at hiniling na sana ako na lang siya.
➰➰➰
Minsan naisip kong habulin at ipaglaban ka
Ngunit naalala ko na iyon ay wala ring halaga
Para sa'yo siya lamang ang iyong mahal at nag-iisang prinsesa
Kahit kailan hindi sumagi sa isip mo na narito ang isang katulad ko na sayo'y umaasa.
-Kung nagustuhan niyo po,please vote and comment po.Maraming salamat!
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
OverigIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃