Maraming nagtanong kung sino nga ba
Ang bumihag sa pusong mailap at nangangamba
"Ikaw" sagot ko kahit na may pagdududa
Oo,batid kong kailanman hindi ako magiging "siya"
⚌⚌⚌⚌
"Ikaw" sambit ko nang minsang magtanong si ina
Nagalit siya't inalam kung saan ka nakatira
Sa mga mata niya'y naroon ang pag-aalala
Ako'y kanyang niyapos habang sinasambit ang katagang "anak tahan na"
💔💔💔
Araw ng Lunes mga kaibiga'y agarang lumihisSa daang tinahak at naglakad ng napakabilis
Ika'y iniwan dahil sila sayo ay biglang nainis
Lagi kasing bukambibig na "siya lamang" ang iyong nais
💔💔💔
Sabi nga sa kanta,"Ikaw,ang pag-ibig na binigay"Saaking pusong kay tagal nang nahimlay
Noo'y hindi makaramdam na para ng patay
Ngunit nang ika'y dumating mundo'y biglang nagkakulay
-Please,vote and comment po kayo kung nagustuhan niyo.Maraming salamat!
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
RandomIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃