Madalas ay nalulungkot dahil nag-iisa
Hindi ko maramdaman na mayroong kasama
Walang makausap dahil sa kaba
Baka ako lamang ay talikuran at iwan muling mag-isa.
Sa tuwing may taong gustong lumapit at magpakilala
Bakit ako'y nangangamba at nag-aalala
Na sa darating na araw ikaw ay
mawalaMawala at 'di ko na muli pang makita
Batid mo bang ako'y umiiyak nang 'di mo nakikita?
Ayoko namang hilahin ka dahil masaya kang kasama siya
Siguro nga'y 'di ka masaya 'pag ako ang kasama
Sige na't iwan mo 'ko at sumama sa kanya.
Minsa'y 'di maiwasan ang pagtatampo
Ngunit ano nga ba ang magagawa ko?
Kung saakin ikaw na ang sumuko?
Kaibigan,siguro nga'y wala na
Wala na ang pagkakaibigang binuo kasama ka.
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
RandomIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃