Bakit nga ba hindi nalang ako?Ang hahanap-hanapin ng iyong mailap na puso?
Papawi sa lungkot na dala-dala mo
Pupunas sa mga luhang dulot niya sa'yo.
💔💔💔
Muli,bakit nga ba hindi na lang ako?Iyong tao na magbibigay liwanag sa buhay mo
Magpapangiti sa'yo sa tuwing ika'y nagsusumamo
Sa sakit na dulot ng kanyang pusong mapaglaro
💔💔💔
Bakit nga ba hindi nalang ako?Giliw,ako'y nangangakong buong puso ko ay sa'yo
Pakinggan mo't pangalan mo ang isinisigaw nito
Mananatili sa tabi mo kahit pa ako'y masaktan
Ako'y hindi natatakot sumugal kung ikaw ang ipaglalaban.
💔💔💔
Sa huli,ang tanging hiling ko'y "sana ako na lang"
Ipinapangako kong sa puso ay ikaw lamang
Hindi ka bibitawan kahit pa maraming humadlang
Dahil sa aking puso ay nag-iisa ka lang
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
RandomIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃