Bakit nga ba ako'y narito pa rin?
Umaasa na iyong dinggin lahat ng aking sasabihin?
Patagong umiiyak at tila ang katawa'y pagod na
Naglalaro sa isipan ang katananungang "makakaya pa ba?".
Ako'y umaasa na sa paglipas ng araw ako'y iyong maaalala
Dadalawin sa bahay at iyong kakamustahin pa
Nais kong maramdaman na kahit konti ay mayroong pag-asa
Na sana ako'y importante rin at hindi binabalewala
Kahit pa ganoon ang nais ko'y ikaw ay maging masaya
'Wag mo na akong isipan at patuloy mo sanang mahalin siya
Hindi ko nais na makagulo at masira kayong dalawa
Makita lang kitang masaya ako'y siguradong kontento na.
'Wag mo na sanang intindihin ang aking minsang kalungkutan
Sadyang ako lamang ay nangungulila sa iyong hindi pagpaparamdam
Sapat na saaking ako'y nasa malayo habang ika'y pinagmamasdan
Pinapangako ko sayong ako'y hinding-hindi na magdadamdam.
-Vote and comment po kung nagustuhan niyo.At kung hindi naman ay maraming salamat pa rin sa pagbasa.
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
De TodoIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃