Unang sulyap,iyong mata'y aking nahagilap
Tila ako'y napadpad sa asul na mga ulap
Bahagyang natangay at mistulang natulala
Sa'yong mga mata na may hatid na hiwaga.
Tanong ko lang,bakit may biglang naramdaman?
Bakit ako'y nahihiya sa tuwing ikaw ay nariyan?
'Di makapagsalita sa 'di malamang dahilan
Ako'y biglang iiwas at tatahakin ang daan.
Gabi na ay malalim ngunit ako'y gising at nakatitig
Sa'yong larawan na sa mesa'y matamang nakasandig
Biglang mapapangiti kasabay ng aking pagpikit
Ipinagdarasal na sana puso mo'y masungkit.
Batid mo kayang ikaw ang dahilan sa bawat kong saya?
Na hanggang sa panaginip ikaw ang kasama?
Ikaw ang inaasam na mayakap sa tuwina
Kasabay ng pagsambit ko nang "Giliw sana ikaw na."
-Dedicated para sa mga may crush diyan.Haha!Habang may buhay may pag-asa kaya 'wag sumuko.Magiging kayo rin ni crush,tiwala lang💪😂
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
RandomIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃