Sa isang paraiso ika'y nakatayo at nakadungaw sa aking mga mataAko'y napangiti at bumalot sa aking puso ang labis na tuwa
Namangha ako sa iyong hawak na rosas na ubod ng pula
Ika'y unti-unting lumapit at ang paghawak sa kamay ko'y 'di na napigilan pa
⚫⚫⚫
Sariwang hangin ang sumabay sa malamyos mong tinig na kay sarap sa pandinig
Hindi na matigil ang puso ko na binalot ng saya dahil sa pagpintig
Tahimik nating gabi'y tanging naririnig lamang ay mga kuliglig
Magkahawak ang ating mga kamay habang ikaw saakin ay matamang nakatitig
⚫⚫⚫
Sa pagpikit ng mga mata ko'y aking naramdaman
Paghawak sa mga palad ko'y iyong biglang binitawan
Pagmulat ng mga mata ko'y bumungad saakin ang kadiliman
Hindi na mapakali dahil bumalot na sa katawan ang matinding kalungkutan
⚫⚫⚫
Ako'y nagising galing sa isang panaginip na walang katotohanan
Bigla na lamang bumuhos ang masaganang mga luha na hindi na napigilan
Aking napagtanto na ika'y galing sa libro at napadpad lamang sa aking isipan
Pagbali-baliktarin man ang mundo magkaiba pa rin ang ating ginagalawan
-M.M.S🍃
BINABASA MO ANG
Sari-saring TULA
DiversosIto po ay sari-saring mga tulang tagalog.Minsan nakakalikha dahil sa nagwawalang damdamin o di naman kaya ay tungkol sa pag-ibig na nararamdaman ng lahat. Sana po ay inyong basahin at magustuhan.Maraming salamat!God bless! -M.M.S🍃