Chapter 5: Determined

287 19 0
                                    

Xerafin's POV

"Guys sorry I'm a bit late. Handa na ba kayo?" sabay kaming napatingin kay Joshua when he arrived bitbit ang gamit niya. 

"Yep. Tara?" tanong ko and I glanced at Carrot at agad naman itong tumango and gave us a thumbs up habang nakangiti. 

Hindi na ako nagtaka nang makita kong kargahin ni Joshua si Carrot. As usual, ayaw niyang pahirapan o mapagod si Carrot. He's the sweetest. Napalingon ako sa bahay at bahagyang nagtaka sapagkat hindi man lang ako inabala ni Jake ngayong umaga. I haven't seen him. Mabuti naman kung ganon.

"Good morning class" nakangiti kong bati sakanila pagdating namin sa learning center.

"Good morning teachers!" masigla nilang bati. Another kid started to lead the prayer at pinaupo na namin sila pagkatapos. Tinignan ko muna ang lesson plan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang natapos na pala namin yung topic na dapat tatalakayin ngayon. 

"Tapos na pala natin yung topic ngayon" saad ko kay Joshua. 

"Really?" gulat at manghang saad ni Joshua saakin as I nodded. 

"So ano pag-uusapan natin ngayon?" nagtataka niyang tanong. I thought about it for awhile at napatingin ako sa buong klase kaya napangisi na lang ako. 

"Free time" saad ko kaya siya naman ang napangisi and nodded. The kids deserve some break too. 

"Free time guys!" pag-announce ni Joshua at agad naghiyawan ang mga students at agad nagkani-kanilang grupo. Ang iba ay nag-jamming dahil may dala silang gitara, and iba naman ay naglaro, ang iba ay nagbasa lang ng libro, ang iba naman ay nagkwentuhan lang din and etc. 

Nakaharap ako sa desk while fixing some papers nang may naramdaman akong mga kamay na dumulas palibot sa bewang ko and the familiar scent instantly registered in my mind. Joshua. He was currently leaning against my shoulder habang nakayakap. Back hugs. 

"What are you doing?" I chuckled at natawa na rin siya ng bahagya. 

"Nothing. It just feels nice hugging you" he said kaya ramdam ko agad ang pagpula ng pisngi ko. He suddenly switched our places at siya ang sumandal sa desk and he gently held my hands at pinalibot ito sa bewang niya, pulling me closer. Our distance was so close that I could feel his minty breath fanning against my skin. Ramdam ko agad na parang may nagwawala sa loob ko. I was internally hyperventilating! 

"Have I told you how gorgeous you are?" he whispered while staring at me. His eyes were piercing through me. 

Napasigaw ako nang biglang umatras yung desk at dahil nakasandal don si Joshua ay nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan siyang bumagsak sa sahig kaya nabitawan ko ito. He groaned out of pain dahil sa lakas ng pagbagsak nito at nauntog pa ang ulo niya sa desk. Oh my gosh.

"Oops" nakangising saad ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako and saw Jake Valderama na nakapamulsang nakasandal sa blackboard. I gave him a death glare and he just smirked. Sabi na eh!

The kids were trying to stop their laughter dahil sa nakita nilang pagbagsak ni Joshua sa lupa. Napailing na lang ako.

"Joshua okay ka lang?" nag-aalala kong tanong kay Joshua at agad ko itong tinulungan tumayo. Namumula ito sa kahihiyan kaya natawa ako nang bahagya.

"Don't laugh at me" nakasimangot niyang sabi kaya mas lalo akong natawa. 

"You're so cute" tawa ko at niyakap ko ito. Narinig ko na tinukso kami ng buong klase kaya mas lalong namula si Joshua while I was chuckling at him. 

"What the fuck? Kelan naging cute ang pagsalampak sa sahig? Dude." hindi makapaniwalang saad ni Jake while doing hand gestures. Halatang naiinis ito kaya napairap na lang ako. 

Timeless Souls [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon