Chapter 6: Fieldtrip

308 18 0
                                        

Xerafin's POV

"What?! Seryoso?!" excited kong tanong at inalog-alog ang balikat ni Joshua.

"Yes! May school na dito daw sa Batanes ang fieldtrip and they want us to accomodate them" nakangiting saad ni Joshua at inalog-alog din ang balikat ko.

"Omg! It's been so long" nakangiti kong saad. Yeah, ang tagal na since we had visitors dito sa probinsya. Yeah there were tourist pero kakaunti lang sila. Now we have a fieldtrip to accomodate!

"Dadating sila dito bukas, early in the morning" saad ni Joshua at naglabas ng notebook.

"So anong activity ang gagawin nila para makatulong tayo?" curious kong tanong.

"So sa first day, ay itu-tour muna natin sila dito, then by lunch ay magkakaron ng boodle fight. Tapos after non ay magtatanim daw sila ng halaman then the rest of the day ay magbo-bonfire lang sila and chill" saad niya kaya napatango tango naman ako. Well that's great!

"Come on, let's fix the things we're gonna need for tomorrow" saad ni Joshua at tumayo agad kami.

"Ay wait may nakalimutan ako" saad ko at tumango naman siya at nauna ng lumabas at sinabing aantayin na lang ako.

Pumasok agad ako sa bahay at nilibot ang tingin. Nakapagpaalam na ako kay Carrot na siya muna ang maiiwan dito sa bahay, may mga pagkain naman sa lamesa sakaling magutom siya at wala pa ako. She's a smart kid at hindi ito ang unang pagkakataon na maiwan siya mag-isa sa bahay.

"Jake!" tawag ko while looking around, trying to find any signs of him.

"You called cupcake?" napahiyaw ako at napaatras nang bigla siyang sumulpot sa harap ko. Di ko talaga maiwasang magulat minsan.

"Pwede bang bantayan mo muna si Carrot? May aasikasuhin lang kami ni Joshua. Please?" tanong ko sakanya.

I know this is crazy. I'm asking a favor from someone who is already dead! Di ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa eh.

"You do realize na wala akong masyadong magagawa right?" nag-aalinalangan niyang tanong while motioning himself, to clarify that he's just a soul.

"Alam ko pero bantayan mo lang siya. Keep her company. She won't cause any trouble." saad ko sakanya at nakita ko naman siyang ngumiti habang umiiling.

"Cupcake, kahit di mo sabihin. I'm always here looking out for Carrot. Right princess?" tanong niya at nilingon si Carrot na nakatayo lang pala sa gilid. She giggled and nodded cutely kaya napangiti naman ako.

"Thank you. I'll be back soon. Be good baby" saad ko kay Carrot at hinalikan ko ito sa noo bago umalis pero bago pa ako tuluyang mawala ay narinig ko ang sinabi ni Jake.

"Grabe. Kahit patay na ko, inuutusan pa rin ako. Ang sama talaga nila sakin princess" kunyaring naghi-hysterical niyang saad kaya narinig kong tumawa si Carrot at nagkwentuhan pa sila. Napangiti na lang ako bago pinuntahan si Joshua.

We started doing important things, preparation para bukas. Sabi ni Joshua na hindi naman sila ganon karami. Hindi pa raw sila umaabot sa isang daan. Parang isang batch lang ata ito ng isang grade level.

Anyways, inayos na namin ang mga gagamitin nila bukas, kung saan sila magtatanim and all that other stuff.

***

Kinabukasan. Maaga pa lang ay dumating na sila gaya ng saad ni Joshua.

"Magandang umaga po. Welcome sa Batanes!" pagbati ko sakanila and they greeted back. Halatang excited sila. Nakapag-check in na sila sa kanilang tinutuluyang hotel at kasalukuyan kaming nasa labas, gathering them dahil magsisimula na ang tour namin. It's not much of a big island.

Timeless Souls [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon