Chapter 19: She's Gone

258 16 0
                                    

Xerafin's POV

Di ko namalayan na hindi na pala ako nakatulog. I was too preoccupied. Buong gabi ay nakaupo lamang ako sa tambayan habang dinadama ang lamig ng hangin habang nakamasid sa dagat at sa mga alon na humahampas.

I was here all night long thinking about every single thing that ever happened to me. Simula nung makilala ko sina France, Xavier at Lui.

I didn't have many girl friends sapagkat nandyan yang tatlong ugok na yan. Napangiti ako nang mapait nang may maalala ako.

Flashback

"Uy umiiyak nanaman si Xerafin" nag-aalalang saad ni Lui, we were only around the age of five sa mga panahon na ito.

"She wants to play with dolls! Dolls man! Ayoko non!" inis na saad ni Xavier tila todo tanggi.

"Come on. Laruin na lang natin. She's crying" saad ni France sa dalawa.

"We don't even know what to do with these!" pagngiwi ni Lui at itinaas ang isang manika na kulay pink.

Napatingin nanaman sila kay Xerafin na mahinang humihikbi habang pinupunasan ang kanyang luha. Ayaw kasing makipaglaro sakanya nila Xavier dahil manika daw ito. Girly.

"It's like action figures. We can deal with it." pagkibit balikat ni France at napabuntong hininga na lang silang lahat.

"Fine tara na nga" saad ni Xavier at kanya-kanya naman sila ng pagkuha ng manika at sabay sabay silang lumapit kay Xerafin na nakayuko lamang habang nakaupo sa playground.

"Anong ginagawa niyo dito?" nakasimangot na saad ni Xera tila nagtatampo sa tatlo.

"Fine we're sorry okay?" saad ni Lui

"Yeah. We'll play with your freaking dolls" bored na sambit ni Xavier kaya siniko siya ni Lui.

"Really?" nabuhayan ng loob na tanong ni Xera sakanila.

"Yup so please stop crying" nakangiting sambit ni France at tumabi sa batang babae na tumango tango naman.

Naglaro na lang silang tatlo nung manika. The three guys learned how to play with it kahit nung una ay nababaklaan sila dito. They did it for Xera. Puro tawanan sila.

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Damn. I miss those days. Tipong wala kaming prinoproblema. We were so carefree. Bata pa lang ay magkakakilala na kami and we were the best of friends. Another thought came in my mind.

"Tita! Tita! May crush na si Xavier!" tawa ni Xerafin kasabay ni France na hindi tumigil sa pagtukso sa bata. They were around sixth grade already.

"Ano yon?" nagtatakang tanong ng mama ni Xavier tila hindi narinig sa unang pagkakataon at magsasalita pa lang sana ulit si Xerafin para ibuking si Xavier nang biglang dumating si Xavier sa tabi niya at tinakpan ang bibig gamit ang dalawang kamay niya.

"Yah! Shut up!" inis na sambit ni Xavier tila nahihiya. Xerafin muffled a laugh dahil nakatakip ang bibig niya.

"Dude let go. Di na makahinga yan" saad ni France at tinanggal ang kamay ni Xavier na sumimangot na lang.

"Oo na di ko na sasabihin" Xerafin giggled kaya napangiti na lang si Xavier. Napatingin silang tatlo nina France kay Lui na kanina pa nanahimik dahil nagbabasa ito ng libro.

Nagkangisian sina Xerafin, Xavier at France tila pare-parehas ang pumasok sa isip.

"Tita! Tita! May crush na si Lui!" sabay sabay nilang sigaw at nagtakbuhan palapit sa mama ni Lui. Agad natauhan si Lui sa sinigaw ng tatlo niyang kaibigan at agad nabitawan ang libro at napatayo.

Timeless Souls [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon