Carrot's POV
Naninibago ako dahil wala si kuya Jake ngayon. Kadalasan kasi ay nandito ito at nakaupo sa bintana. He would always greet me good morning at kukulitin naman niya si ate at iinsultuhin si kuya Joshua.
Nadatnan ko si ate Xerafin na nakaupo lang sa sala habang nakatulala. Parang ang lalim ng iniisip niya at mukhang di siya nakatulog nang maayos kagabi.
"Ate bakit po namumugto mata mo?" curious at nag-aalala kong tanong bago tumabi sakanya.
Ngayon lang siya natauhan at gulat na napatingin sa akin. Napapikit muna siya nang mariin before opening her eyes again at ngumiti siya sa akin. I can clearly tell that it was a sad smile.
"Wala lang yan. Tara kain ka na ng breakfast" she brushed off at hinawakan na ako and lead me para kumain na. Napakibit balikat na lang ako.
I don't want to force ate to tell me stuffs. Sabi niya sa akin kapag daw malungkot ang isang tao kailangan mong pakiramdaman kung dapat mo bang i-comfort agad ito o bigyan muna ng time. I think ate needs the latter one.
We were oddly quiet habang kumakain ng breakfast. Para ngang walang gana kumain si ate at mukhang malalim nanaman ang iniisip. I mentally prayed for ate to be all right.
"May pupuntahan lang ako sa kabilang village Carrot at si Joshua muna magbabantay sayo." biglang saad ni ate kaya napaangat ang tingin ko sakanya.
"Bakit po si kuya Joshua? Diba laging si kuya Jake po ang nagbabantay sakin?" tanong ko naman with curiosity. Nasanay ako kay kuya Jake. No offense but he's more fun and I like him better than kuya Joshua.
Parang natigilan si ate sa tinanong ko kaya mas lalo akong nagtaka. I wonder why.
"Sorry baby. Wala si kuya Jake mo eh. He's busy" she replied kaya ako naman ang natigilan.
"Oh" simpleng saad ko but my voice was full of dissapointment. Sayang naman.
Well it's okay. Kuya Joshua is also fun.
"I'm here~" napatingin kami sa pinto when kuya Joshua barged in with a goofy smile on his face. Agad ngumiti si ate kaya napangiti na rin ako. Yay! She's smiling again.
"Kamusta yung nasipit sayo ng alimango?" nag-aalalang tanong ni ate kaya pinigilan kong matawa dahil sa naalala ko. It was really funny. I feel bad for laughing.
"It's all good. Parang kagat lang ng langgam" nakangiti niyang saad saamin. I saw how ate rolled her eyes.
"Yeah sure. Kaya pala ganon na lang kalakas tili mo" sarcastic na saad ni ate which made me giggled. It sounds like something kuya Jake would've said.
"Haha funny" nakairap na saad ni kuya Joshua kaya natawa si ate. Nakita ko naman na parang ang sama ng tingin ni kuya Joshua kay ate. I think he got offended.
"Sige na aalis na ako. Baka matagalan ako nang kaunti" saad sa amin ni ate at kinuha na ang gamit niya at hinalikan niya muna ako sa noo.
"Mag-ingat ka po" saad ko sakanya habang nakangiti. She smiled back and nodded.
"Bye" maigsing saad sakanya ni kuya Joshua na nakaabang sa pinto.
"Later guys" huli niyang saad bago siya tuluyang makalabas ng bahay at sinarado naman ni kuya Joshua ang pinto. Sinilip niya pa kung nakalayo na ba si ate. Napakibit balikat na lang ako, he's probably making sure na ligtas lang si ate.
Pupunta pa lang sana ako sa kwarto para maglaro na lang pero agad nagsalita si kuya kaya ako napatigil sa paglalakad.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Timeless Souls [COMPLETED]
Espiritual[HR: #2 in Spiritual ✨] "I'm not that dumb to fall in love with someone who's already dead" He stayed silent for a few seconds before answering. "Akala ko kapag patay ka na hindi ka na makakaramdam ng sakit. Why do I still feel my heart breaking?"...