Chapter 18: Her Parents

229 17 0
                                    

Xerafin's POV

Kasalukuyan kong tinutupi ang mga damit namin na natuyo na. Dito ko na lang siya sa loob sinampay kasi nga umuulan pa rin. It really feels gloomy. Kelan kaya gaganda yung panahon?

Habang nagtutupi napangiti ako nang palihim when Carrot silently joined me. Umupo siya sa tabi ko at tinulungan akong magtupi kahit wala siyang sinasabi. 

"Ate..." nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita. Ito yung una niyang pagkakataon na magsalita kaya talagang nagulat ako at agad napatingin sakanya.

"Yes baby?" tanong ko agad, eager enough kasi kinakausap niya na rin ako. I was already smiling dahil finally pinansin din ako. Although hindi siya tumitingin sa direksyon ko at nanatiling nakatingin sa mga damit na tinutupi niya.

"I think it's already the right time to ask this question..." pagpapatuloy niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano yun baby?" malambing kong tanong trying to sound as calm as possible kahit sa totoo lang medyo kinakabahan ako sa tanong niya.

"Who are my parents?" pagkatanong na pagkatanong niya niyan ay agad naglaho ang ngiti ko sa labi dahil sa gulat. Iyon naman ang unang pagkakataon na tumingin siya sa akin and stared at my eyes seriously. Ngayon ko lang nakita si Carrot na ganito kaseryoso.

I wasn't expecting her question. It caught me completely off guard. Napaka-random kasi, of all the things she can ask at the moment hindi ko inaasahan na iyan yon.

Napabuntong hininga na lang ako. Yeah, sa tingin ko rin ito na ang tamang panahon para sabihin sakanya ang lahat. Like I said before, one story at a time, I guess it's time for her story to be told.

"Kakarating ko lang halos dito sa Batanes when it all happened..." paninimula ko at tumingin muna sa ibang direksyon at huminga nang malalim.

It happened like a week after my flight to Batanes. Sa loob ng isang linggong yon ay nakilala ko si Joshua. Siya ang una kong nakilala dito at siya ang tumulong saakin. Pinatuloy niya ako sa isang bahay malapit sa cliff or hill side. Iyon ang naging bahay ko. Sabi niya upahan ko na lang daw, so I did hanggang sa nabayaran ko ng buo ang bahay at naging akin na ito.

"Then one day, napagpasyahan kong pumunta dun sa hill side. It was already sunset sa oras na iyon. I saw the bench pero may iba pang bumungad sa akin pagdating ko doon" pagpapatuloy ko.

I was reminiscing the past, it felt just like yesterday when it all happened. Gandang ganda ako sa tanawin na binigay ng hill side na iyon. Kaya hindi ako natatakot na tumambay doon kahit ilang legwas na lang bago ang bangin magmula sa bench na inuupuan ko. It was a high drop. Kapag nahulog ka doon ay dagat na at posibleng tumama ka muna sa mga naglalakihang bato bago tuluyang malunod. I didn't mind though.

The view was worth it. Yun yung unang beses na napunta ako doon and ever since then ay tinawag ko na itong tambayan ko dahil sobrang lapit lang din naman nito sa talagang bahay ko.

Pero gaya ng sabi ko, hindi lang yun ang bumungad saakin...

"When I got closer, I saw you. Wrapped with the softest blanket I've ever touched. You were all alone. Crying. You were just a little baby that time" nakangiti kong banggit habang inaalala ang nangyari noon.

Umiiyak si Carrot non, nakapatong lamang siya sa bench. Of course I was shocked to find a freaking baby on a bench.

"Lumapit agad ako and carried you, you were the prettiest baby I've ever seen, then I noticed the letter na nakaipit sa blanket na nakabalot sayo." saad ko at tumayo. Binuksan ko ang isang drawer na nasa pinakababa at kinuha ang nakalagay doon.

Timeless Souls [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon