Xerafin's POV
Nang magising ako ay sobrang tuwa ko na nung makita kong kumain si Carrot. She still won't talk pero okay na yon. At least nakakain siya at nakatulog kahit papaano. Finally. Nag-aalala na talaga ako sakanya at kahit gusto ko man tulungan ay siya mismo ang ayaw. I guess she needs time.
Nasa kwarto ngayon si Carrot, nakatingin lang sa kawalan as usual. Napabuntong hininga na lang ako.
Napatingin ako sa labas nang napansin kong unti-unting umulan. Pansin ko lang ah, these past few days laging umuulan, not the storm type of rain na sobrang lakas, yung ulan ngayon ay kalmado lang. The skies were really dark. They were fine droplets of rain. As if the heavens was softly crying.
Parehas kami ng nararamdaman ng langit. I had a bad dream last night. He finally left me. Jake left me for good.
Ang nakakatawa lang. Hindi lang yon panaginip. It's true. Alam ko namang tuluyan nang umalis si Jake.
I should be happy. Yun naman talaga ang gusto ko nung una palang diba? For him to leave para bumalik sa normal ang buhay ko. Para di niya ako maistorbo. Para di ko na isipin na baliw ako dahil nakikipag-usap ako sa patay. He finally left.
So why am I not happy?
Siguro dahil na-attach na ako sakanya. It's the one thing I do that I completely hate. Feeling attached to something or someone kaya kapag aalis na sila ako nanaman yung masasaktan.
To be completely honest akala ko may gusto ako kay Joshua. Who wouldn't? He was perfect. I thought. Pero nung ginawa niya ang katarantaduhan na yon, lahat ng paghanga at tiwala ko sakanya came crumbling down in a snap. Lahat ng tingin ko sakanya naglaho. To me he's nothing but a fucking asshole that should rot in jail.
I thought gusto ko siya kasi tuwing nakikita ko siya my heart felt weird. My mind would go lowkey crazy. Yung mabibilis na pagtibok ng puso tuwing may gagawin siyang flattering. Kapag nagkakatitigan kami pakiramdam mo kayo lang.
Ang pinagtataka ko...
Nararamdaman ko rin yan para kay Jake. I would feel my heart racing like crazy whenever he's near or kapag nakikita ko siya. I still remember how he hugged me and kissed me on my cheeks kahit di niya ako hinahawakan at yung lamig lang ang nararamdaman ko. It was wonderfully different.
Does that mean na gusto ko si Jake? Yeah I think so. Pero pakiramdam ko mas malalim pa ata ang nararamdaman ko. Why would I cry because of him that easily? I'm not a sensitive person.
Pero kahibangan yun eh. Ako? Magkakagusto sa patay? Gaguhan? Ganon na ba kasama ang love life ko at sa patay pa ako magkakagusto? This is absurd. It's just not right.
Mabuti na rin sigurong umalis si Jake para kahit papaano ay matigil itong nararamdaman ko. Hindi pwede to. There are boundaries between life and death. I shouldn't cross that.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jake. Yung kapag naibalik sakanya ang nararamdaman niya para sa taong mahal niya ay makukuha niyang hawakan ito sa huling pagkakataon as if he was alive again bago pa siya tuluyang lumisan sa mundong ito. May makakasama rin siya sa after life at mararanasan niya rin na mahalin ng buong buo ng walang sablay. Isang bagay na hindi niya naranasan sa mga panahon na buhay pa siya.
Sorry Jake. Maybe I'm not the one. We can't rewrite the stars like you said. No one can. It's just impossible.
Napabuntong hininga na lang ulit ako while I was staring out of the window at pinagmamasadan ang pagbagsak ng kalmadong ulan. It just gives out that sad lonely vibes. Damn.
James' POV
I finally had everything done. Tapos ko na ang mga bagay na dapat asikasuhin ever since I got out of prison.
BINABASA MO ANG
Timeless Souls [COMPLETED]
Spiritüel[HR: #2 in Spiritual ✨] "I'm not that dumb to fall in love with someone who's already dead" He stayed silent for a few seconds before answering. "Akala ko kapag patay ka na hindi ka na makakaramdam ng sakit. Why do I still feel my heart breaking?"...