Chapter 2: Illusions

402 20 1
                                    

Xerafin's POV

"I washed the dishes faster ngayon ate!" tuwang tuwa na saad ni Carrot habang tinutupi ko ang mga damit namin. Napatingin ako sakanya and my lips instantly broke into a smile. She looks really happy about that simple thing.

"Talaga? Very good!" nakangiting wika ko sakanya at nag-apir naman kami. Mabilis talaga kumilos si Carrot kahit sa murang edad niya. She's a smart kid.

My eyes wandered to the small table clock na nakapatong sa kahoy na lamesa, I noticed that it was already quarter to nine. Carrot's bed time.

"Tulog na tayo" saad ko pagkaligpit ko sa mga damit. Tumango naman si Carrot at pumunta na kami sa kwarto namin and went to bed after doing our night rituals.

"Goodnight ate, love you" inaantok na saad ni Carrot at humikab.

"Love you too. Sweet dreams" nakangiti kong saad at ilang minuto lang ang nakalipas ay mahimbing nang natutulog si Carrot.

Napabuntong hininga na lang ako while staring at the ceiling. Ang bagal talaga ng oras dito sa probinsya. Sabagay wala rin naman akong masyadong magagawa rito.

I shifted my position trying to find a comfortable one para makatulog ako ngunit ilang oras na akong nakahiga at hindi pa rin makatulog. Kainis!

I sighed at maingat akong tumayo para hindi magising si Carrot. I grabbed a pocket book at tumambay sa bintana where I can sit. The moonlight was enough for me to see the writings on the book. Magbabasa muna ako at baka sakaling antukin ako.

Within minutes I was already engrossed with what I was reading. Hay nako. Imbis na antukin ako ay parang mas nagigising ang diwa ko dahil sa binabasa ko.

Bahagya akong napasinghap nang biglang nagsara ang librong hawak ko sa kalagitnaan ng aking pagbabasa.

What the hell?!

Nanlalaki pa rin ang mata ko habang nakatingin sa librong nabitawan ko dahil sa biglaang pagsara nito. Baka hangin lang.

Hindi nga malakas yung ihip ng hangin eh.

Napailing na lang ako sa naisip ko at muli ko itong pinulot at binuksan sa pangalawang pagkakataon para sana ituloy ang binabasa ko ngunit tumaas na talaga lahat ng balahibo ko nang bigla nanaman itong magsara. This time. Sure akong hindi hangin yon.

Agad ko na itong binitawan at bumalik sa kwarto. Damn. Dinedemonyo ata yung libro na yun.

Sabi ko nga matutulog na lang ako eh. Pagkahiga ko I immediately shut my eyes at patay malisya na lang. I'm just going to pretend na hindi nangyari yon.

Hindi nagtagal ay unti-unti nang nilamon ng kadiliman ang aking diwa at tuluyang nakatulog.

***

Bigla na lamang akong nakaramdam ng ginaw. I was blindly grasping for the blanket ngunit di ko ito makapa kaya naman unti-unti kong dinilat yung mga mata ko. I expected to see Carrot sa tabi ko ngunit iba ang bumungad sa mukha ko. It was a guy's face ngunit natatakpan ito ng buhok niya at natatakpan naman ng kumot ang lower half ng mukha niya.

"AHHH!" tili ko at sa sobrang pagkataranta ay umatras ako which is a wrong move dahil tuluyan akong nahulog sa kama. Fuck! Ang sakit.

"Okay ka lang?" tanong nung bumungad sa akin habang nakasilip mula sa kama. Agad akong napatayo at pinagbabato ko ito ng unan.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?! Manyak!" sunod-sunod kong sigaw habang naghahanap ng pwedeng ibato sakanya pero hindi ko man lang ito narinig umangal tila hindi natatamaan ng pinagbabato ko.

Timeless Souls [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon