Chapter 13: Time

219 17 0
                                    

Jake's POV

Bwiset talaga. Hindi naman siguro masama kung may gawin akong kagaguhan right? Nakapag-isip isip rin ako.

I've done worse nung buhay pa ako. I've done horrible things sa Easton Academy o kahit nung lumipat ako sa Empire University. Everyone has their bad side. Kahit gaano pa kabait.

Ang akin lang, nagiging masama lang din naman ako kapag masama rin kalaban ko pero minsan talaga di ko na mapigilan ang sarili ko, lalo kapag nagseselos ako.

Pero wag ka, bait ko rin kaya.

I'm the founder and leader of Scourge for fuck's sake. I'm bound to do something inappropriate. I've been into countless of gang fights. I've been using deadly weapons left and right. I can be considered as one of the bad guys.

Even if I'm dead, Joshua Madrigal is no exception. Who says a soul can't be possessive?

I'm jealous. So I have to do something about it. Napangisi na lang ako ng wala sa oras.

Maaaring kaluluwa lang ako at di ko sila mahawakan but there are other things that a soul can do.

Tumigil na ako sa pag-iikot sa bahay ni Xerafin. Wala pa rin sila eh. Malamang di pa rin sila tapos mamili. The rain was still pouring pero pagkalabas na pagkalabas ko sa bahay ay unti-unti itong tumigil kahit gaano pa siya kalakas kanina. I smirked knowingly.

Payback time.

Pinuntahan ko kung nasan sila kanina at inikot ang buong lugar para lang makita kung nasan yung tatlong yon. Fortunately natagpuan ko sila, di kalayuan.

Maraming hawak na plastic bags si Joshua na naglalaman ng pinamili nila. May mga kaunting dala naman si Xerafin at isang plastic lang ang hawak ni Carrot.

Agad nanamang nagsalubong ang kilay ko at napakunot ang noo habang masamang nakatingin sa kamay ni Xerafin at ni Joshua. They were holding hands. Again.

Tsk. Puputulan ko na talaga ng kamay yang Madrigal na yan eh. Boyfriend ka? Boyfriend ka?! Irita.

Napansin kong napalingon sa akin si Carrot. Agad niya akong kinawayan habang nakangiti. Kahit papaano ay nawala ang pagkakunot ng noo ko. Nginitian ko rin siya and waved back. I motioned her to keep quiet by putting my index finger on my mouth.

She giggled at tinakpan niya ang bibig niya as she nodded. Good girl. Ayoko muna kasing mapansin ako ni Xerafin. May plano pa kasi ako.

Sinundan ko lang sila ni Joshua hanggang sa mapadpad sila sa mga nagbebenta ng fresh seafoods tulad ng lobster, alimango and etc. Mas lalong lumawak ang ngisi ko dahil sa naisip ko.

Sinusuri ni Joshua ang isang alimango na mukhang bibilhin nila pero sa isang iglap ay nagsisisigaw ito habang tumatalon pa dahil biglang siyang sinipit sa daliri nung alimango. Napabitaw sa gulat si Xerafin at nataranta tulad nung mga tindera dahil sa nangyari kay Joshua.

He was cussing and shouting nonstop habang pilit inaalis ang alimango sa daliri niya pero napangisi na lang ako dahil mas humigpit pa ang pagkasipit nung alimango kaya halos tumirik ang mata ni Joshua sa sakit at nakakabingi ang tili niya.

Oops.

Nakita kong natatawa si Carrot nang palihim. Napansin ko rin na parang gusto rin matawa ni Xerafin kahit nag-aalala siya kay Joshua dahil parang babae kung sumigaw si Joshua. Parang tumitili. Napapatingin tuloy sakanya yung mga tao sa paligid. This is gonna be so embarrassing for him. I was chuckling habang nakatingin sakanya. Hilarious.

Hawak hawak ka pa ng kamay ah?

"Joshua wait wag kang malikot!" natataranta na sambit ni Xerafin tila gustong tulungan si Joshua.

Lalapit na sana ito para hawakan si Joshua pero agad akong gumawa ng paraan at kasabay ng pagkumpas ng aking kamay ay biglang natisod si Joshua at di ko mapigilang tumawa nang malakas tulad ni Carrot dahil sumakto ang pagbagsak ni Joshua sa isang putikan na dulot ng malakas na ulan.

Agad nagsitalsikan ang putik at malakas ang pagkahampas ni Joshua sa puddle, parang dive na plakda. Nag-dive sa putik. Pfft. Sobrang dumi ni Joshua at buong mukha niya ay natatakpan ng putik. Nakaputi pa naman siya, naging brown tuloy. Pfft.

"Oh my gosh" wala sa sariling gulat na saad ni Xerafin dahil sa nasaksihan nilang lahat. Nakita naming lahat kung paano bumitaw sa pagkasipit yung alimango bago ito naglakad palayo with a random direction like a normal crab habang nakabaon pa rin sa putik ang mukha ni Joshua. Pfft. Sa sobrang tahimik yung paglakad lang nung alimango sa semento ang maririnig mo.

Natigilan lahat habang nakatitig sa pangyayari. Pinipigilan naman ni Carrot matawa while I was laughing my ass off. Buti nga sakanya! Napahawak ako sa tagiliran ko sa sobrang tawa. That was epic. Yung alimango nagdala AHAHAHA!

Dahil sa tawa ko ay nakita kong napalingon sa akin si Xerafin. Nagtaka siya nung una bakit ako tumatawa pero agad niyang na-realize na ako ang may kagagawan ng lahat.

Agad niya akong sinamaan ng tingin pero nginisian ko lang siya at kinindatan.

"Okay ka lang iho?" nag-aalalang tanong ng tindera sakanya at agad lumapit ang iba para tulungan tumayo si Joshua.

Tinulungan nilang tumayo si Joshua at parang pumunta sa isang spa si Joshua sa putik na natatakpan ang buong mukha niya. Nakangisi lang ako habang pinapanood siya.

"Please umalis muna kayo. Ako na." seryosong saad ni Joshua na halos walang makita dahil sa putik kaya napatawa ako.

Lalapit sana si Xerafin para tulungan ito pero tinaas ni Joshua ang palad niya signing her to stop.

"Don't touch me" iritable niyang saad kaya napaatras na lang si Xerafin while raising her arms in surrender.

Paika-ikang naglakad si Joshua palayo at iniwan na sina Xerafin habang lahat sila ay nakatingin lang dito. Literally. All of them. Lahat lang sinundan siya ng tingin tila gulat pa rin sa pangyayari.

Nabasag lang ang katahimikan when we all heard Carrot giggling. It started off with a small giggle hanggang sa tuluyan na siyang natawa at nadamay na ang ibang tao sa paligid at lahat ay humahalagpak na ng tawa tulad ni Carrot dahil sa nangyari kay Joshua.

It was too epic not to laugh at. Napailing na lang si Xerafin habang hinihilot ang sentido. Binuhat na lang ni Xerafin ang mga plastic na pinamili nila.

"Tara na nga" naiiling niyang saad at hinawakan na ang kamay ni Carrot at umuwi na sila.

One point goes to Jake Valderama.

Ayan kasi. Pinapaselos kasi ako. Natawa na lang ako ng bahagya at naunang umuwi sa bahay nina Xerafin. Aabangan ko na lang sila sa bahay.

Yung tingin niya sakin literal na death glare kanina cause I made fun of his precious Joshua. She can't kill me with her glares. I'm already dead anyway.

I have absolutely nothing to lose. Kunwari pa siya eh parang gusto niya rin tumawa kanina.

These are the type of times na nagpapasalamat ako na kaluluwa ako. I can do these weird stuffs na maski ako hindi alam kung paano ipaliwanag. It just happens. Sometimes I can manipulate stuffs pero kadalasan naman ay hindi ko yon kayang gawin.

Like I said. Strong emotions ignites some kind of power inside me and let's just say that jealousy is one of my strongest emotions that I usually don't plan on controlling. 

Timeless Souls [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon