Chapter 14: Her Thoughts

240 18 0
                                    

Xerafin's POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyaring katarantaduhan ngayon. Bigla tuloy nawala sa sarili si Joshua. Napikon ata. Kawawa naman siya. Napahiya kanina eh. Dami pa namang tao.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kong nadatnan si Jake. Ang pasimuno ng lahat. Isang masamang tingin ang pinukol ko ulit dito.

"Did you enjoy the show princess?" nakangisi niyang tanong at pinasadahan pa ako ng tingin. Carrot once again giggled at tumango.

"Pero kuya that's still bad" saad ni Carrot. Damn right.

"He deserved it" pagkibit balikat ni Jake.

"He didn't" may diin kong saad kaya napalingon siya sakin.

"Wow. So kinakampihan mo pa siya?" di makapaniwalang saad ni Jake kaya nainsulto ako sa paraan ng pananalita niya.

"Tingin mo sayo ako kakampi?" saad ko while raising my eyebrows.

"You should" he muttered. Naramdaman namin na unti-unting umalis si Carrot at pumunta sa kwarto dahil nararamdaman niyang parang mag-aaway kami ni Jake.

"I shouldn't. Bakit ako kakampi sa patay kung buhay yung isa?" nakangisi kong tanong at nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko.

Oh shit. Medyo harsh ata.

"Wow. Just wow" he muttered at nagulat ako dahil biglang humampas pasara ang mga bintana at pinto ng malakas kasabay naman non ang paglaho ni Jake. Tsk.

Bahala siya.

Inayos ko na lamang ang mga pinamili namin at nilagay na kung saan nararapat. Si Carrot ay nasa kwarto pa rin at nung sinilip ko ay mahimbing itong natutulog at tapos na maligo. Napagod siguro kanina dahil medyo matagal din kaming namili. Tsaka nagtakbuhan at basaan pa kami sa ilalim ng ulan. She's probably tired.

Mabuti na lang at kusang nagpalit si Carrot ng kanyang damit bago ito natulog.

Hindi ako mapakali dahil laging pumapasok sa isip ko si Jake. Adik ba siya? Ako dapat yung magwo-walk out eh! Takteng yan. Nang-aagaw ng eksena.

Sa inis ko ay lumabas muna ako sa bahay at as usual ay pumunta ako sa tambayan para magpahangin lang pero napairap ako when I saw Jake sitting on the bench as well. Nang-aagaw na ng eksena, nang-aagaw pa ng tambayan. Bwiset na nilalang.

"Hoy! Wala ka talagang balak mag-sorry 'no?" taas kilay kong tanong pagka-upo sa kabilang dulo ng bench. I'm pertaining sa ginawa niya kay Joshua.

"Hell no. Why would I apologize for something that I clearly enjoyed?" niyang tanong kaya napabuntong hininga na lang ako. 

"Ayoko kasi may nasasaktan ng pisikal..." mahina kong saad and these memories came rushing in my head. Those horrible memories from the past.

"Alam mo naman siguro kung gaano kasakit yun" I muttered at ramdam ko na natigilan siya at napatingin saakin. Napabuntong hininga na lang ulit ako. 
"I'm sorry. Not because of what I did to Joshua. I'm sorry dahil sa mga pinagdaanan niyo sa kamay ng ama ko" he said and sincerity was evident in his voice. Di ko mapigilang matawa nang mapakla. 

"I miss them so much" saad ko at di napansin na naluluha na pala ako. 

"I know..." he softly said

"Di dapat nangyari sakanila yon. Di dapat ako nabuhay. Parang torture pa nga na nabuhay ako" pagpapatuloy ko. I was absent mindedly opening up to him. Parang kusang lumalabas ang mga salita sa bibig ko. All these years I've been fooling myself na hindi ko yon kasalanan. Ilang taon kong iniiwasan lahat ng katotohanan. 

Timeless Souls [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon