Kabanata 5

913 41 8
                                    

Kabanata 5
You wish

"What? Your birthday party is cancelled?" Overract naman daw si Ysaiah.

"I asked mom and dad to cancel my party. Namimiss ko na kase si kuya Gavin. Gusto ko syang bisitahin sa birthday ko." Sabay kuha ko sa pizza na nasa ibabaw ng table namin.

"Pero iba pa rin yung may party ka. Once in a lifetime ka lang pwede mag debut and I'm sure kuya Gavin will go home to attend your birthday." Si Ashton naman.

Ngumuso ako sakanila. "Kung gusto nyo kayo na lang ang mag party."

"Ruwesha!" Sabay nilang suway sakin.

"Kilala nyo naman kase ko, kahit kelan hindi ako nag e-enjoy sa mga ganon party. Sawa na kong makipag plastikan sa mga nag sososyalan natin mga bisita."

At lalo na dahil wala naman si Brex sa party na yon.

"Sus, ang sabihin mo, ayaw mo lang dahil maglalabasan na naman yung mga anak ng board members na irereto sayo."

"Exactly! Alam nyo naman pala eh!"

Yes! One of the reason why I hate parties! Hindi na ata mawawala iyon sa mga party ng mayayaman at bilang ako nga ang nag-iisang babaeng Vizconde, halos lahat ng mayayaman at maipluwensyang tao na kakilala ng pamilya ko ay inerereto sakin ang mga binata nilang anak.

"So, mag bar na lang tayo non?" Abot tenga ang ngisi ni Ysaiah sakin.

"Tutal mahilig kayo sa mga bar bakit hindi na lang kayo mag tayo ng sariling bar nyo? Feeling ko kase bar ang magandang business para sainyong dalawa." Sabay higop ko sa milktea na kanina ko pa hawak.

"Ha?" Kumunot ang noo ni Ashton sakin. "Bakit bar?"

"Diba minsan nag D-DJ ka, tapos itong si Ysaiah may sariling banda. Pwede nyo rin maging training yon sa pag ma-manage ng business."

Nag katinginan silang dalawa.

"Bakit hindi namin yan naisip dati?"

Nag kibit balikat ako sa tanong ni Ysaiah. Malay ko sainyo!

"Gusto mo bang mag invest samin?"

Napunok ako sa alok ni Ashton sakin. "Me?"

"Yup. Pwede na yung two hundred thousand?"

Halos lumuwa ang mata ko. Two hundred thousand?

"You must be kidding me. At san naman ako kukuha ng two hundred thousand?"

"Two hundred thousand is not a big amount Ruwesha Marie Vizconde. Pang shopping mo nga lang yon eh, kaya wag ka ng mag kuripot dyan."

OA! Hindi ako ganon ka-gastos no!

"Baka naman malugi lang ako sainyo." Humalakhak ako.

"Wala ka bang tiwala samin?" Ngumuso si Ashton sakin.

Bahagya akong tumingin sa kisame at nag isip. Wala talaga akong tiwala sa dalawang ito pero sige na nga.

"Okay fine!"

"Nice!" Sabay nilang sabi.

Kinabukasan...

Bumungad agad sakin ang nakatawang si Brex pag pasok ko pa lang ng classroom namin, habang nakikipag tawanan sya sa iilang ka-klase namin.

"Hi Brex." With my beautiful smile.

Agad napawi ang pag halakhak nya at napalitan ito ng iritadong ekspresyon. Kinagat ko ang labi ko at nag patuloy na lang sa pag martsa papunta sa table ko.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon