Kabanata 22

933 34 2
                                    

Kabanata 22
Deserves better

Tumaas ang kilay ko dahil sa mga nakakasalubong kong panay ang tingin sakin. Mga bwesit na to! Akala mong ngayon lang nakakita ng maganda! Kainis!

“Ruwesha!”

Napahawak ako sakin ulo dahil sa libro ni Ysaiah na tumama rito. Halos makalmot ko sya dahil don.

“What the hell, Ysaiah.”

“Chill lang, ang aga mo naman high blood.”

Chill? Eh' ang aga-aga nyang nang iinis! Irap lang ang naging sagot ko sakanya. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad kasabay sila.

“Artistahin ka na ngayon, ha? Halos ipagsigawan ko kahapon na pinsan kita.” Si Ashton.

Napatunganga pa ko saglit. Bago nag sink in sa utak ko ang ibig nyang sabihin.

“Shit! Don't tell me- napanood nyo?!”

“Yeah, ang galing mo ron. Totoong totoo talaga yung kilig mo kay Brex, hano?”

“Shut up!” Hinampas ko nga ang braso nya. Nakakahiya!

“At dalang-dala rin ako sa iyak mo, parang totoong totoo na nasasaktan ka nung makita mong may kasama syang iba.”

“Isa ka pa!” Sinapak ko ang bwesit na si Ysaiah.

Humagikgik lang sila ng tawa, habang paulit-ulit ko silang pinag sasasapak. Mga bully talaga tong mga pinsan ko!

“Grabe, talaga! Totoong totoo yung iyak mo ron.” Dagdag pa ni Ysaiah, habang nakahawak pa sya sa tiyan nya at humahagalpak pa rin ng tawa.

Alam kong hindi yon compliment, kundi pang aasar lang talaga! Tama. Damang-dama ko talaga ang bawat eksena roon. Para akong totoong kinikilig, dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko nang mga oras na yon. Sa tuwing hahawakin ni Brex ang kamay ko, sa tuwing hahaplusin nya ang mukha ko, sa tuwing yayakapin nya ko at pati nung hinalikan nya ko sa noo, sa bawat eksenang yon libo-libong kuryente ang gumapang sa buong katawan ko. Libo-libong paru-paro ang mga nag diriwang sa loob ng tiyan ko. Sobrang saya ang naramdaman ko nang mga oras na iyon, to the point na nakalimutan ko na galit nga pala dapat ako nararamdaman ko sakanya. At yung scene na umiyak ako? Walang nag expect na magagawa ko talagang umiyak sa harap ng camera. Maski ako, hindi sumagi yon sa isip ko. Basta bigla na lang nanyare. Effortless akong umiyak, dahil totoo yung naramdaman kong sakit nung mga oras na yon, habang mag ka-hawak kamay si Brex at Danica.

“Uy, sya yon diba? Si Ruwesha?” Narinig ko kung saan.

“Oo sya yon, yung napanood natin kahapon sa film. Ang ganda nya no? Bagay sila ni Brex.”

I know bitch!

“Sobra! Kakainggit sya.”

“Ang galing nya pang umarte, parang natural na natural.”

Hell no!

Halos takpan ko ng dalawang palad ang buong mukha ko. Kainis! Kung bakit kase pinalabas pa yon sa buong campus. Kaasar!

“Bakit ba hiyang-hiya ka? Nagustuhan kaya ng lahat yung film nyo.” Si Ashton.

“Nag tanong ka pa? Eh. Yung bungad nyo nga sakin puro pang aasar!” Inirapan ko nga. Nahihilo na ko kakairap sa dalawang to!

Natigilan ako ng matanaw ko si Brex ilang hakbang mula samin, habang may kasama syang maganda at sexy’ng babae. Mabilis dumapo ang mga mata ko sa kamay nyang naka-alalay pa sa baywang nung babae.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon