Kabanata 20

980 43 4
                                    

Kabanata 20
Move on

"So, pano na yan, ah? Pwede ba natin i-edit yang buhok nya?" Tanong ni Danica kay Brex ng sumunod na shooting namin.

"Can you please, shut up? Pang gulo ka lang eh!" Inirapan ko nga.

"Okay, lang yan. 2 years later naman na yung isho-shoot natin ngayon."

Ikinabigla ko ang sinabi ni Brex. HIMALA BA ITO? Bakit parang pinag tatanggol nya ko ngayon? Anong masamang hangin ang umihip sakanya at parang madalas ay mabait na sya sakin? Grrr! Wake up, Ruwesha! Masyado lang syang naku-kunsensya dahil sa ginawa nya sayo. Tama! Dapat lang na bumawi sya. Naiinis talaga ko sa sarili ko, sa tuwing mag sho-shooting na lang kase kami laging kumakalabog itong dibdib ko. Hindi yon dahil sa kaba, kundi dahil sa saya at kilig kahit na alam kong mali ng maramdam ko pa ang mga iyon. Ngayon na ang last shooting namin. Madami kaming gagawing sweet scene ngayon kaya natatakot ako na baka bigla na lang akong mahimatay sa kilig. Graduation scene ang gagawin namin. Tatakbo ako palapit kay Brex at mag yayakap kami. Huminga ako ng malalim pag kasabi ni Aline ng 'Action' pinilit kong ngumiti kahit nanginginig na ang labi ko, pinilit kong tumakbo kahit parang yelong nalulusaw na ngayon ang tuhod ko. Damn!

Wala naman sa eksena pero nagulat ako ng tumakbo rin sya para salubungin ako. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng yakapin nya ko. Shit! Sa sobrang lakas nito feeling ko gusto ng tumalon ng puso ko palabas.

"Wag mo kong itutulak."

Tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko. At bago ko pa tuluyan mai-proseso sa utak ko ang mga sinabi nya ay nalaglag na ang puso ko ng maramdaman ko na ang malambot nyang labi noo ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para akong nauusog na nakikiliti dahil sa mga insektong nag diriwang ngayon sa loob ng tiyan ko.

OMG! SERIOUSLY? Ginawa ba talaga nya yon? Oo. Nasa script yon pero napag usapan na ng lahat na okay lang kahit tanggalin na yon pero ginawa pa rin nya. Shucks! Mahihimatay na yata ako rito!

Napatunganga lang ako ng sumigaw na si Aline ng 'Cut' nag protesta ang mga insekto sa loob ng tiyan ko nang maramdaman ko ang dahan-dahan na pag tanggal ng labi nya sa noo ko. Nanatili lang akong tulala at nakatayo roon, nang mag martsa na sya palayo. Sa gilid ng mga mata ko ay laglag pa rin ang panga ng mga ka-klase namin.

"Oh my gosh! Ruwesha!" Napa tili si Aline.

Tulala pa rin ako. Hindi ko magawang mag salita parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"Grabe! Kinikilig ako sa eksenang yon. My God! Parang hindi nga sya isang eksena eh! Diba nga kase usapan na natin na wag nang gawin yon pero ginawa pa din nya. Shocks!"

Inalog ko ang sariling ulo. NO RUWESHA! Kilala kita! Gusto mo na naman umasa no? Shit! Hindi naman siguro masamang umasa pa ko diba? Basta lang dapat manatili pa rin akong galit dahil hindi pa naman nya ko sinusuyo? WHAT THE FVCK! Hindi ko na talaga alam. Tuluyan ng nagulo ang isip ko.

Dahil nga last shooting na namin ay lumabas kaming lahat para i-treat ang mga sarili namin. 3 pm na ng makapunta kami sa mall. Napag kasunduan nang lahat na manuod ng cine, sakto naman at showing ngayon ang 'Spider Man'.

Bumili ako ng popcorn at coke in can na makakain ko sa loob ng cinema. Medyo madami ang nanunuod kaya hindi pwedeng mag tabi-tabi kaming lahat. Naupo ako sa gitna ni Aline at Jerimie. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumabi si Danica kay Jerimie kasama si Brex.

"Patabi, ha?" Palaam ng bwesit na si Danica.

Tumango si Jerimie sakanya. "Sige lang."

Tss! Hanga rin talaga ako sa kakapalan ng mukha ng babaeng to! Talagang na nanadya?! Badtrip talaga. Kulang pa yata sa sindak ang isang to. Naiinis ako, kase kahit nakatutok na ang mga mata ko sa malaking screen ng sinehan, parang hindi parin pumapasok sa utak ko yung pinapanuod ko. Tanging nasa isip ko lang ay si Danica na nakaupo sa tabi namin, si Brex na nasa tabi nya, yung yakapan namin ni Brex kanina, at yung halik nya sa noo ko. Umiinit pa rin hanggang ngayon ang pisngi ko sa tuwing maaalala ko lahat ng yon.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon