Kabanata 10

950 40 6
                                    

Kabanata 10
Mineral Water

Kuminang agad ang mga mata ko ng makita kong nag lalakad mag isa si Brex papasok sa gate ng campus namin.

Manong dito na lang po ko bababa.”

“Okay po.”

Nag mamadali akong lumabas ng kotse. Ngunit natigilan din sa pag takbo ng may dalawang babaeng lumapit sa mahal ko.

“Hi Brex.” Bati ng mga ito sakanya. Mabilis nag alab ang galit sa sistema ko.

“Tss! At saan naman kayo humugot ng lakas ng loob na magpapansin sa mahal ko?!”

Sabay-sabay silang napatalon sa biglang pag sulpot ko.

“Gosh! Si Ruwesha.” Bulong ng isa.

“Oo nga, tara na.” Sagot naman nung isa.

I rolled my eyes. Sige na. Umalis na kayo! Mga bwesit!

“Ang aga-aga ikaw na naman ang makikita ko.” Iritado nyang sabi.

Ngumuso ako at kumapit sa braso nya, pero tinanggal lang din ulit nya yon. “Isipin mo na lang may tao kang napapasaya kase nasa tabi ka nya ngayon.”

Napangisi ako ng makita ko ang pag pula ng pisngi nya. Agad naman syang nag iwas ng tingin sakin. Luh! Masyadong kinikilig? Hihi.

“D-Dami mong sinasabi.”

Sus! Pero kinikilig ka naman? HAHAHA!

“Para sayo pala to.” Sabi ko sabay abot ko ng isang box ng cookies.

“Ayoko nyan.”

“Alam kong ayaw mong tumanggap ng bagay na galing sa pera namin, kaya hindi na ko bumili, pinagawa ko na lang sa personal chef namin itong cookies-”

“Pero galing pa rin sa pera nyo yung pinang bili nang ingredients nyan diba?”

WHAT? Naisip pa nya yon? Grrr!

“But-”

“Hoy! Ikaw si Kazel fei Liu diba?”

Natigilan ako ng marinig ko ang sigaw na yon ilang hakbang mula samin. Agad akong pumihit para lingunin ang pinang galingan ng boses. Kumunot ang noo ko ng makita ko si miss chinita at tatlong babae na nakatayo sa harapan nya. Anong nanyayare? Nag aaway sila?

“O-Oo. Ako nga.” Bakas ang panginginig ng tono ni miss Chinita. Halatang takot.

“Tss..” Humalikipkip ang isa. “Akala mo porket nanalo ka sa miss Intramurals, maganda ka na? Na maaakit mo na si Liam?” Sigaw ng babae sakanya.

Hala! May pa ganong eksena?

“Wala akong alam sa sinasabi nyo-”

Bigla syang itinulak nung nasa gitna kaya medyo napa-atras pa sya.

“Kunyare ka pa! Kitang-kita namin na nilapitan mo sya after ng pageant! Bitch!” Sigaw pa nito.

Hays! Kainis ang mga babaeng to. Style ko yon ah? Bakit nila ginagaya? Mga walang originality. Bwesit! Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Nag martsa na ko palapit sakanila.

“Ano?! Bakit hindi ka makakibo dyan-”

“Kung masyado kayong confident na mas maganda kayo kesa sakanya, dapat kayo na lang yung sumali ng miss Intramurals!” Tamad kong sabi na ipinagtaka nila.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon