Kabanata 39

931 38 5
                                    

Kabanata 39
My first kiss

"Okay! Mag date tayo."

Hindi ko mabitawan sa utak ko ang mga katagang iyon. 4 am na at mulat pa rin ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba, dahil finally ay pumayag na syang makipag date sakin, o malulungkot, dahil baka napilitan lang sya? Pero diba, wala naman taong napipilitan lang? Hays! Ewan! Hindi ko na alam. Mababaliw na ko!

9 am ng magising ako, almost 4 hours pa lang ang tulog ko. Matutulog pa sana ulit ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita kong galing kay Brex ang message na iyon.

Brex: Good morning! Lunch tayo, sundin kita ng 11 am.

OH MY GOSH! Mabilis dumapo ang palad sa aking bibig. Napatili ako ng malakas at nagtatatalon sa kama. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Totoo ba ito? Mag da-date na ba talaga kami? Kumaripas agad ako ng bangon at nag hanap ng damit na maisusuot. Dapat ba naka dress ako o pants na lang? Naligo na ako at isinuot ang denim dress kong kulay blue at navy blue kong doll shoes, gagamitin ko rin ngayon ang pasalubong ni mamita sakin na bag, yung Michael kors na kulay itim. Nag blush on at lipstick din ako, at nag pisik ng paborito kong perfume. Naka-ready na ako. Si Brex na lang ang hihintayin ko. Napatalon ako ng biglang mag ring cellphone ko. Natataranta ko itong tinignan.

Brex Louie is calling...

Umubo ako para ikundisyon ang boses ko, bago ko ito sinagot.

"Hello!"

"Andito na ko sa labas nyo."

Napatayo ako sa sinabi nya. "Ha? Sige palabas na ko!"

Halos takbuhin ko ang hagdanan namin pababa. Wala ngayon si mommy, dahil may 3 days seminar sila kahapon sa Bulacan. Literal na nalaglag ang panga ko ng makita ko syang nakasandal sa isang kotseng itim, habang naka pamulsa ang kanyang dalawang kamay. Naka white v-neck shirt sya at itim na leather jacket, naka black pants din sya at may suot syang shades sa mata, na lalong nag pa-gwapo sakanya.

OH MY GOSH! Totoo ba ito? May ganito ba talagang ka-gwapong nilalang? Parang artista itong nasa harapan ko. MY GOD!

"Bakit nakatayo ka lang dyan?"

Bumalik ako sa reyalidad nang bigla syang magsalita. Lumunok ako at nag martsa na palapit sakanya.

"Ang gwapo mo." Nasabi ko ng wala sa sarili.

Napansin ko na parang medyo nailang sya sa komento ko, pero hindi sya tumugon at pinag buksan na lang ako ng pintuan sa front seat. Pumihit sya, umikot at sumakay sa driver seat. Hindi ko mapigilan ang mamangha. Masyado naman yata nyang pinag handaan itong date namin at naka kotse pa sya ngayon.

"Sinundo kahapon ng tito ko sila mama, papa at Bobby, umuwi sila sa Manila kaya iniwan na lang ni papa itong kotse nya." Ini-start na nya ang sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit nya iyon biglang sinabi. Nabasa ba nya na iyon ang nasa isip ko? Sa kabilang banda napa-isip din ako, alam nya itong bahay namin?

"Ahh, pero pano mo pala nalaman kung saan ang bahay namin?"

Ang alam ko hindi pa sya nakakapunta rito, dahil sa tuwing nag pupunta roon ang mga ka-klase namin ay hindi naman sya sumasama.

"Basta alam ko lang." Busy pa rin sya sa pag di-drive.

Tss. If I know, ini-stalk mo lang ako. Huminto kami sa tapat ng isang mamahalin restaurant.

"Kain muna tayo."

"Ahm? O-Okay."

Sabay kaming nag martsa papasok sa restaurant, napigil ko ang sariling paghinga ng maramdaman ang kamay nya sa likuran ko.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon